Buenas dias amigos!
Ika-7 ng Mayo ngayon, araw na Biyernes taong 2010.
‘Pag sinabing Biyernes,
ibig sabihin, sahod na namin! Kaya naman, malaki ang dala kong balde ngayon! Ngeek! Ha ha ha ha!
Kahapon,
pinutakti tayo ng text messages. May tumawag din sa atin na taga-Pangasinan. Nakalimutan ko ang kanyang pangalan.
Nag-inquire siya sa PHLRC kung paano sumali, pinaliwanag natin sa kanya. Napakadali lang. Pupunta raw siya
sa meeting ng ating samahan sa Mayo 16, 2010 sa Quezon City Circle alas-3:00 ng hapon.
Speaking
of meeting, marami tayong paksang pag-uusapan dito.
Isa na ang pagbubuo ng alituntunin at batas
ng ating samahan.
Samakatuwid, lahat ng miyembro ng PHLRC puwedeng magbigay ng suhestiyon basta’t
para sa ikagaganda ng ating grupo.
God bless PHLRC!
Pagkatapos ng
ating meeting, tutulak ang ating grupo sa bahay ni Ka. Nelson Barnedo aka Overtaker sa Baesa, Quezon City.
Siguro
naman, hindi na maunang umuwi si Ka. Nelson! Ha ha ha!
‘Yung mga bagong miyembro ng PHLRC,
kita-kits tayo sa susunod na Linggo. Upang ganap kayong maging kasapi sa ating samahan, may pi-fill-upan din kayong registration
form. Good luck!
Nag-text din kahapon si Ka. Ronnie Terrado. Tinanong niya sa atin kung
saan matatagpuan ang tanggapan ng TORO.
Iminungkahi natin sa kanya na magtungo na lang sa bagong
tambayan ng ating grupo sa work nila ni Ka. Ernie Padigdig at Marlou Dahunog.
Aniya, sa meeting
na lang daw, may magpapamiyembro raw sa PHLRC! Galing!
Ka-text din natin kahapon si Ka. Rico Rocero.
Iminungkahi niya na kung maaari ay gawing Hunyo 12 ang outing natin sa Cabanatuan City, ito ay dahil Independence
Day naman aniya sa araw na iyon.
Umokey tayo kay Ka. Rico, pero pinal nating pag-uusapan ang paksang
ito sa meeting.
Sa pinakahuling text ni Ka. Rico, ganito ang nakasaad: “Yes! Happy-happy
na naman! Yahooo!!!”
Bukod kay Ka. Rico, naka-text din natin si Ka. Ruben Cabrillas.
Magkikita raw kami ngayon (kahapon) kina Ka. Ernie at Ka. Marlou upang pag-usapan ang May 29. Baka raw mabago
ang schedule.
Hindi rin nagpapahuli ang bagong miyembro natin sa PHLRC na si Ka. Alejandro “Jojo”
Parilla, Jr.
Nag-text din siya sa atin kahapon para mag-order ng uniporme ng PHLRC. Wew!
Dumarami na ang miyembro ng PHLRC!
Marami pa tayong naka-text kahapon, si Ka.
Michael Insigne.
Maraming-maraming salamat sa inyong lahat lalong-lalo na ‘yung mga
nag-i-inquire para magpa-member sa PHLRC.
Karamihan po sa kanila ay gumagamit ng GLOBE kaya ang
pinakahuli panay ang pakarga ko ng LOAD! Ha ha ha!
Adios amigos!