Ang
tamang pagbigkas ng PHLRC ay Pil-RC.
***
Who: PHLCO / PHLRC
What:
Monthly meeting
Where: Quezon City Memorial Circle (in Bicycle Station)
When:
May 30 (Sunday), 2010 at 12:00 noon.
***
Buenas dias, amigos!
Ika-27 ng Mayo ngayon, taon 2010.
Bukas, tutulak ang ating grupo sa bahay ni Ka.
Alejandro Parilla sa loob ng Malakanyang sa 278 Arias St., San Miguel, Manila.
Ang meeting place
ay sa PIT SHOP sa Araneta Avenue dakong alas 7:00 ng gabi.
Ka. Jojo, para ‘di maligaw ang
ating grupo, mas maganda kung pumunta na rin po kayo sa Pit Shop para masabayan n’yo kami.
Baka
mapunta kami sa videokehan sa halip na sa Malakanyang! Ha ha ha!
Bukas din ng gabi, dadalhin
na rin natin ang mga dokumento para mapirmahan na ng ating mga kasamang nagbigay na ng kanilang TIN number at cedula.
Sa mga bagong members ng PHLRC, kita-kits na lang po tayo bukas sa PIT SHOP sa 153-D Araneta
Avenue, Quezon City.
Sabi ni Ka. Jojo, ipaghahanda raw niya tayo ng bulalo... pero may bayad!
Ngiyaaaaaak!
Samantala, naka-text natin kahapon si Ka. Rey Guinto, bagong reporter ng TORO.
Willing daw mag-sponsor sa PHLRC ang Norkis Yamaha na matatagpuan sa Ibayo, Marilao, Bulacan sa pangunguna
ng branch manager nito na si Mr. Raul G. Castro kung ano ang request ng ating samahan sa kanila.
Maliban
sa Norkis Yamaha, willing din mag-sponsor ang Suzuki Super Bikes Center diyan sa ONC Bldg., sa Mc-Arthur Hi-way, Ibayo, Marilao,
Bulacan. Mga Suzuki motorcycles lang aniya ang puwedeng pagbigyan.
Ang suwerte ko naman! He he
he! Suzuki kasi ang motor ng inyong lingkod! Haist!
Welcome nga pala sa bago nating kasama sa
PHLRC. ‘Di ko nakuha ang pangalan niya, pero siya ay taga-Caloocan at nagtatrabaho sa McDonald’s.
Welcome din sa bagong kasama natin sa PHLRC na si Ka. Michael, re-cruit ni Ka. Freddie Modesto.
Aarangkada na ang PHLRC sa Cabanatuan, Nueva Ecija sa darating na Hunyo 12.
Malapit
na! Malapit nang makakatay ang kambing ni Ka. Ernie! Ha ha ha!
***
Napaka-kritikal
na kondisyon sa isang motorcycle rider ang may kaangkas o kasakay sa minamaneho niyang motor. Dapat talaga, hindi isinasakay
sa motor ang isang buntis. Pero, kung ito ay iyong misis ay pareho kayong nagtratrabaho’y hindi maiiwasan na sabay kayong
magbiyahe. Natural, isasakay mo talaga siya.
Dapat lamang na bagalan lang ang takbo ng motor sa bilis
na 30-45 kilometro kada oras o mas mababa pa. Sa gayun, Hindi ito makaka-apekto sa dinadala ng isang buntis. Maging maingat
din sa pagmamaneho, tingnan ang dinaraanan lalo na ang mga lubak at huwag gigitgit sa ibang behikulo.
Paupuin
ng normal at huwag pabukakang pasakayin ang buntis na gaya ng rider. Pasuotin din ng helmet.
Ngunit,
huwag pasuotin masyado ng protective gear upang hindi makaramdam ng irita at hindi komportable ang isang buntis. Pasuotin
din siya ng maluluwag upang hindi magkaroon ng pressure sa dinadala niyang sanggol.
Huwag basta-basta
pumihit ng pabigla sa kanan o kaliwa upang ‘di dumausdos ang sakay na buntis at hindi ito mahulog. Sundin ang payong
pangkaligtasan na upang maingatan ang buhay mo lalo na ng iyong minamahal.