Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Good day, Philippines!
Mabuhay ang mga motorcycle riders sa bansa!
Ika-9
ng Hulyo ngayon, taong 2010.
First, personal na binisita ang inyong
lingkod ni Ka. Ronnie Terrado, PRO ng PHLRC, sa aming tanggapan kahapon. Tenk u! Haist!
Nag-text sa atin kamakalawa ng gabi si Ka. Rolly Malupa, isa sa mga Board of Trustee ng PHLRC, kung saan ipinagbigay-alam
n’ya sa atin na makakamura raw ang ating grupo sa private resort kung saan gaganapin ang 4th Outing ng samahan sa darating
na Linggo.
Taliwas sa pahayag natin kahapon dito sa ating kolum, P100
na lang ang babayaran ng bawat isa na sasama sa outing at hindi na P200. Ito’y matapos na mapakiusapan ni Ka. Rolly
ang staff ni Kap. Elita De Jesus, ng Brgy. A. Samson, Quezon City. Galing!
Dahil pare-pareho tayong may pasok kinabukasan (Lunes), ang schedule natin sa Linggo sa naturang private resort ay
mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi kaya’t makakauwi tayo ng maaga.
Malapit lang po ang Sta. Maria, Bulacan. Kung hindi tayo matrapik, baka isang oras lang ang biyahe natin mula sa Quezon
City.
Mayroong konting pagbabago sa schedule sa eksaktong oras ng pagkita-kita
ng ating grupo.
Ang meeting place po natin sa Linggo ay sa Quezon City
Memorial Circle (sa may Bicycle Station) sa oras na alas-4:00 ng madaling araw. Sabay-sabay na bibiyahe ang PHLRC riders sa
oras na alas-5:00 ng madaling-araw. God bless and happy trip, PHLRC!
Samantala,
maraming readers ng kolum na ito ang nagtatanong sa ating kung ilan na raw ba ang miyembro ng PHLRC.
Sa kasalukuyan, ang miyembro ng PHLRC ay pumalo na sa 44 (puro aktibo) simula nang mabuo ito nitong
Marso 2010. Sa madaling sabi, apat na buwan na ang PHLRC sa buwang ito. Galing!
Ang
PHLRC ay opisyal na narehistro sa Securities and Exchange Commission o SEC nitong ika-7 ng Hunyo taong kasalukuyan.
Isa mga layunin ng PHLRC ay:
1.
Makahikayat at magkaroon ng magandang imahe sa pagmomotorsiklo at bilang isa na ring motorista.
2. Makahikayat ng magandang pagbabago sa lahat ng aspeto sa kaligtasan sa lansangan ng mga motorista.
3. Makahimok ng karagdagang paggamit ng motorsiklo bilang transportasyon at bilang libangan na rin.
4. Makipagtulungan sa ibang organisasyon na may kahalintulad na layunin at bisyon.
Ang PHLRC ay nakapagbiyahe na sa Nasugbu, Batangas (Abril 2010); Lian Batangas (Mayo
2010); at Llanera, Nueva Ecija (Hunyo 2010); at sa Sta. Maria, Bulacan sa darating na Linggo.
Ang e-mail address ng PHLRC ay phlco@yahoo.com habang ang aming website naman ay www.even.tripod.com
(daily updated po iyan).
Sa ibang dako, ngayon pa lang ay nagbigay na
ng suporta ang ating mga kaibigang riders sa Facebook, ang Marilao Riders Club o MRC kaugnay ng nalalapit na 4th Outing ng
PHLRC sa Linggo.
Ayon po sa MRC, makipag-ugnayan na lang sa kanila
ang PHLRC kung may kailangan dahil malapit sa Sta. Maria ang Marilao. Thank very much, mga Ka-Riders!
Pero sana, minsan ay makasama namin kayo sa aming outing para mas masaya ang biyahe!
Speaking of Facebook, binabati natin ng magandang araw ang mga kaibigan nating riders
gaya ng Laguna Motor Riders Federation, Muntinlupa Street Riders, SanCristobal RidersClub, Sparc Riders, Prmci Riders, Los
Baños Road Runners, Src Straider Riders, and most especially to Marilao Riders Club (MRC).
God bless sa ating lahat!