Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC habang sa PHLCO
naman ay PIL-CO.
***
MARAMI
tayong naka-pending na text messages mula sa mga readers ng TORO kasama na sa ating mga kapatid sa Pinoy Hot Line Riders Club
(PHLRC). Narito po ang kanilang mensahe.
“Good am, Founder. Hingi po sana ako ng konting pabor. Pakibati naman po ang chairman namin na si Ike Talub
sa pagbibigay niya ng job fair, free blood pressure, hair cut, feeding dito sa barangay namin na walang sawa sa pagtulong
sa aming mga ka-barangay.”
–Ka. Michael Escol ng PHLRC
***
“Founder, paki-thanks nga po sa
mga kasamahan ko na dumating sa bahay kaugnay ng birthday ko kahapon na sina Rhey Banaag at kay Gilbert Ihgaras pati po sa
plant manager ng HOG GARMENT namin na si Ma’am Mercy Banaag.
–Ka.
Edgar Maglalang ng PHLRC
***
“Ka. Nanz, pakisabi kay Founder na nakausap kon na kahapon ‘yung mga tito ko sa Lingayen. Marami raw
mauupahan na cottage doon tabi ng dagat, kaso sabi sa akin, ‘wag daw muna ngayon kasi delikado. Magno-Nobyembre raw
kasi... dahil kumukuha daw ‘yung dagat ng tao lalo na ‘pag bisita! Tatlo nga daw ang nakuha eh ngayong Oktubre
lang.
–Ka. Vladdy Lito Lati ng PHLRC
Ang text na iyan ay pinasa sa atin ni Ka. Nancy Malindog. Ang topic diyan ay nakasentro sa 6th
Outing ng PHLRC na gaganapin sa Lingayen, Pangasinan, ang lugar ni Ka. Vladdy Lito. Hindi naman ako duwag pero biglang nagtayuan
ang mga balahibo ko nang mabasa ko ang text na ‘yan! Ha ha ha! Posibleng hindi muna sa Lingayen gaganapin sa 6th Outing
ng ating samahan. Kamakalawa, nag-research ako sa internet. Malalaki ang alon ng dagat diyan sa Lingayen kaya posibleng may
matangay talaga na tao kapag may naliligo. Pumalo sa 185 kilometro ang Lingayen mula sa Manila. Dahil sa text ni Ka. Vladdy
Lito, ang Ika-6 na Outing ng PHLRC ay gaganapin sa Iba, Zambales. Nguni’t pinal itong pag-uusapan sa General Monthly
Meeting ng samahan sa darating na Oktubre 24. Ang 6th Outing ng PHLRC ay sa Oktubre 31 (Linggo). Samantala, maraming-maraming
salamat sa kasama natin na nagbalik-loob sa grupo, ito ay sa katauhan ni Ka. Nelson Barnedo. Welcome po ulit sa ating masayang
samahan! Samantala, ang General Monthly Meeting ng Pinoy Hot Line Civic Organization & Riders Club (PHLCO/RC) ay
itinakda sa Oktubre 24, araw na Linggo, sa Quezon City Memorial Circle pa rin sa oras na alas-10:00 ng umaga. Bukas ulit!