Buenas dias, amigos!
Ika-27 ng Abril ngayon taon 2010.
Kumpirmado na ang biyahe ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) sa Calatagan, Batangas sa darating na Linggo
(Mayo 2).
Napag-usapan ng grupo na alas-2:00 pa lang ng madaling araw kailangang nakaalis na ng bahay ang ating mga
kasama. Alas-3:00 ng madaling araw ang alis natin mula Manila papuntang Calatagan.
Gaya ng napag-usapan ng ating mga kasama, sa Baywalk (sa dulo ng Pedro Gil) sa Maynila ang meeting place
natin.
Sa mga hindi nakadalo sa meeting natin noong Linggo, kailangang maghanda-handa na kayo.
Magkakaroon po tayo ng briefing bago tayo bibiyahe.
Tiyak na masaya ang biyahe na ito sapagka’t marami ang sasama at lahat ay nakauniporme na!
Napag-usapan din ng ating mga kasama na magdala ang bawat isa ng baon para pagdating sa Calatagan may makakain
na ang mga kasama. Ayos!
Kinabukasan ng Lunes ng alas-3:00 ng madaling araw ang balik sa Maynila.
Sa mga readers ng TORO na may sariling motorsiklo at gustong sumama sa biyahe naming ito, mag-text
lang kayo sa 09199813390.
Uulitin po namin, ‘wag kayong mahiyang lumapit sa amin dahil lahat kami ay mababait at asahan n’yong
mainit namin kayong tatanggapin para maging kasama sa aming masayang samahan.
Kahapon, nag-text si Ka. Ruben Cabrillas, napanaginipan daw niya ‘yung inihanda nating isaw na may
halong atay na luto ng ating mabait na biyenan, he he he!
Si Ka. Louie Salva, busog na busog din! Ha ha ha!
Maraming-maraming salamat sa lahat ng nagtungo sa ating bahay sa Antipolo.
Nasabi natin sa ating mga kasama na ‘yung isang kuwarto doon sa bahay namin sa Cogeo ay gawin nang
opisina ng PHLCO/RC! Sa madaling sabi, puwede nang tumambay ang ating mga kasama roon kung wala silang ginagawa. Tagay na!
He he he!
Isinusulat natin ang kolum na ito, nag-text sa atin si Ka. Dan Alfred Madriaga.
Aniya, humingi siya ng pasensya sa hindi pagdalo sa meeting natin dahil nagpahinga muna siya sa Puerto Gallera
bunsod ng mga pagsubok na dumating sa buhay niya.
Binabasa raw niya ang kolum natin sa ating website.
Dagdag pa niya, regards na lang daw sa mga kasama natin sa PHLRC.... kukuha raw siya ulit ng bagong motor!
Panawagan sa lahat ng ating mga kasama sa PHLRC, magkita-kita tayo sa bahay ni Ka. Dan Alfred Madriaga. Malalaman
n’yo bukas ang eksaktong oras.
Attendance muna tayo sa meeting natin noong Linggo bago maubos ang ating espasyo. Tuloy ang ating kuwentuhan
tomorrow.
1. Imelda T. Paycana
2. Eustaquio Tabag
3. Gerry Lanuza
4. Trixie Bellen
5. Ronnie Terrado
6. Rico Rocero
7. Lawrence Enriquez
8. Freddie Modesto
9. Millet Modesto
10. Dhionel Pilan
11. Renito Arpilleda
12. Nelson Barnedn
13. Rowena Mendez
14. Ronald Mendez
15. Nancy Malindog
16. Louie Salva
17. Dioscoro Policarpio
18. Edgar Coria
19. Even Demata
20. Karen Rocero
21. Monica Rocero
22. Flor Manza
23. Rolly Malupa
24. Nelson Tumala
25. Ruben Cabrillas
26. Mariel Sheen Coming
27. Roger Coming
28. Glenn Villanueva
29. Kim Abada
30. Rhey Guinto