Buenas
dias amigos!
Ika-11 ng Mayo ngayon, Martes taong 2010.
Kumusta na ang lahat
ng miyembro ng Pinoy Hot Line Civic Organization o PHLCO?
Guwapo pa rin ba tulad ko? Ngeek!
Magparamdam naman kayooooo! Haist!
Ang monthly meeting ng PHLCO at PHLRC ay sa
darating na Mayo 30, 2010 sa oras na alas 12:00 ng tanghali.
Yes! Tanghali po at hindi alas 3:00
ng hapon.
Imbitado po kasi ang grupo natin sa birthday ng anak ni Ka. Ruben Cabrillas at Rolly
Malupa sa Quezon City.
Gaya ng nabanggit ko sa inyo, may malaking sorpresa sina Ka. Ruben at Ka.
Rolly sa ating samahan! Galing!
At sa araw rin na iyan, magkakaroon din tayo ng Chess Tournament.
Ang mananalo ay bibigyan natin ng trope at ipa-publish natin sa Sports Section ng pahayagang ito. Ayos!
Kaya,
‘yung magagaling sa chess diyan, maghanda na! Wew!
Samantala, sa lahat naman ng mga kasapi
ng PHLRC, ‘wag na ‘wag n’yong kalimutan ang meeting natin sa Linggo, Mayo 16, 2010, sa Quezon City Memorial
Circle sa oras na alas 3:00 ng hapon.
Marami tayong pag-uusapan para sa ikagaganda ng PHLRC
lalo na sa mga kasapi nito.
Sana ng members ng PHLRC ay makadalo sa meeting nating ito.
Sana, lahat ay madalo!
Mga dahilan ng aksidente sa motorsiklo
· Pagmamaneho ng nakainom o lasing
· Matulin na takbo na basa ang kalsada
·
Walang suot na helmet
· Nakikipaggitgitan sa mga sasakyan
· Pagewang-gewang na
pagmamaneho (akala mo stunt driver)
· Sumisiksik sa mga sasakyan para lang mauna
·
Pag-o-overtake ng alanganin
· Nakipagkarerahan
· Hit and run
·
Nagte-text habang nagda-drive
· Biglang pumutok ang gulong habang mabilis ang takbo
·
Napasukan ang mata ng insekto o kaya’y alikabok
· Biglang nawalan ng preno
·
Nalingat dahil sa maputi at makinis na hita ng tsiks!
· Nagpumilit tumawid kahit naka-red signal ang
traffic light
· Biglang lumiko
· Biglang huminto
· Biglang
may tumawid
· At marami pang iba
Para maiwasan ang
lahat ng ito, dahan-dahan at maging alerto habang nagmamaneho ng motorsiklo.
God bless PHLRC!