BUENAS dias amigos!
Ika-16 ng Abril ngayon taon 2010.
Araw na naman ng sahod! Ha ha ha! Ubos sa utang! Ngeek!
One day millionaire, ika nga nila, he he he!
Nag-text sa atin kahapon si Ka. Alberto Pasilan.
Pinakokorek niya ‘yung apelyido niya sa PHLRC Member’s Profile na lumabas kahapon kung
saan siya po ang bida.
Pasilan not Paskan. Alberto Pasilan po ang tama. Pasensya na po, typographical error po ito, Ka. Alberto.
Para sa kaalaman ng marami, alam n’yo ba na dahil sa samahan nating Pinoy Hot Line Civic Organization
/ Riders Club (PHLRC) ay nagkakakilala ang mga miyembro nito at nalaman pang magkakamag-anak sila!
Sinong mag-aakala na magkakamag-anak lang pala sina Ka. Trixie Bellen at Ka. Nelson Barnedo. Magkakapitbahay
naman sa Bicol sina Ka. Ruben Cabrillas at Ka. Nelson Barnedo. Galing!
May ilang din sa mga kasama natin magkakabayan. Surprise ha!
Kamakalawa ng umaga, nagulat naman tayo nang may nag-text sa atin at nagpakilala na kaibigan niyang matalik
ang pinsan nating si Jun-Jun Demata.
Tumama naman ang hula ko na siya ay si Roy Gemino na kasalukuyang nakatira sa Cavite.
Nakuha niya ang number natin dito sa ating kolum.
Samakatuwid, kapitbahay lang natin sila noong 1990s sa Agusan del Norte.
Matagal-tagal na panahon na rin na wala tayong komunikasyon sa kanilang pamilya.
Siguro, sa mga susunod na linggo, magtutungo tayo sa bahay ni Ka. Roy Gemino diyan sa Cavite.
Happy PHL reading po sa pamilya Gemino diyan sa Cavite.
Nitong nakalipas na buwan lang din ay nag-text naman ang pinsang buo natin na si Oliver "Obing" Demata.
Nakuha rin niya ang number natin dito sa ating kolum. Matagal na panahon na rin na wala tayong komunikasyon
sa kanya lalo na nu’ng lumipat sila ng tirahan.
Dahil dito, kamakailan lang ang binisita natin siya sa Sta. Maria, Bulacan.
Maraming salamat sa Pinoy Hot Line!
Sa malao’t sandali, marami pang mangyayari sa araw-araw na pagsusulat natin sa kolum na ito.
Samantala, belated happy christening to Alexasa Cabrillas, kahapon, na ginanap sa Sto. Domingo Church sa
oras na alas- 10:00 ng umaga.
Si Alexasa ay pamangkin ni Ka. Ruben Cabrillas.
Sa mga tunawag nga pala kahapon para gustong sumali sa PHLRC, kita-kits na lang po tayo sa Quezon City Circle
sa Linggo sa oras na alas-3:00 ng hapon.
May pahabol.
Wanted Heildelberg Offset Operator.
For inquiry: call 514-3635 / 6581725 at 09162349036 look for Lando.
No more space na tayo, bukas ulit mga pare ko!
Adios amigos!