Buenas dias amigos!
Lunes ngayon, petsa Marso 22, 2010.
Ilang araw na lang ay outing na ng Pinoy Hot Line Media and Civic Organization katuwang ang Pinoy
Hot Line Riders Club sa darating ika-1 ng Abril ng taong kasalukuyan.
Isinusulat natin ang kolum na ito, magkakaroon ng meeting-seminar ang PHLRC hinggil sa tamang pagdidisiplina
ng pagmamaneho sa Quezon City Circle kahapon ng alas-3:00 ng hapon. Ia-update ko ito sa inyo bukas.
Samantala, ipagpapatuloy natin ngayon ang mga alintuntunin ng PHLRC hinggil sa ilang safety tips sa pagda-drive
ng motorsiklo, pero bago diyan... may nag-text!
"Isang tricycle diver ang lumapit sa akin upang ireklamo ang isang pulis ng Meycauayan na may pangalang Santos,
diumano’y hinuli siya ng alas singko y medya ng umaga nitong Marso 10, 2010 ng isang sibilyang pulis at lasing na lasing
pa. Kinuha ‘di umano ang kanyang lisensya nang tanungin niya kung ano ang kanyang violation at kung bakit nanghuhuli
siya ng lasing at naka-civilian pa ay tinawag ang traffic enforcer na si Boying Beniza at pinatikentan ang kanyang lisensy.
Ang nasabin driver ay si Virgillo Nicolas ng Tugatog, Meycauayan City, ay lumapit na kay ABC President Renato Ponciano, miyembro
ng Meycauayan PLEB at humiling na maimbestigahan ang pulis na ito.
–Ka. Rey Guinto ng PHLMCO
Tagubilin sa mga Lider at mga Riders
(Karugtong kahapon)
Maging alisto at seryoso sa pagmamaneho- Huwag magmamaneho ng nakainom. Alam nating masama ang magmaneho
ng lasing. Kung inaakala ng isa na kaya pa niyang magmaneho kahit siya’y nakainom ay isa iyong malaking pagkakamali.
Tandaan, na kahit nakainom ay bukas nga ang iyong kamalayan o presence of mind kapag nagmamaneho. Pero, pinapababa nito ang
iyong kakayahan. Ang alak ay nagpapabagal ng reflexes at muscles ng ating katawan.
Kapag ginawa mo ito, masasaktan lamang ang iyong sarili o kaya’y makakasakit ka ng ibang tao. Iwasan
ding magmaneho ng sobrang pagod at puyat. Nakakabawas ng alerto at kakayahan sa pagmamaneho ang gayung kondisyon.
Ihanda ang gagamitin at siyasatin ang motorsiklo bago magmaneho- Laging ugaliin na bago magmaneho’y
tsekin muna ang iyong gagamiting motorsiklo. Kailangang nasa kondisyon ito. ‘Di pupuwedeng nasa kondisyon ang isang
motorista pero wala sa kondisyon ang kanyang motor. Ipapahamak ka nito kapag nagkataon. Tsekin muna ang sumusunod…
Tires - Tsekin kung may cracks o bulges (lamat), or signs ng wears in the treads. Ang mababang tire pressure
o anumang depekto ay maaaring magdulot ng blowout.
Under the motorcycle- Tingnan kung may signs o tanda ng oil o gas leaks (tagas).
Headlight, taillight at signals- testingin kung may high o low beams. Siguraduhin na lahat ng lights
ay gumagana.
Hydraulic and Coolant fluids- Ang level nito ay dapat tsekin linggo-linggo.
Clutch at throttle- Siguraduhing gumagana iyon ng tama lang. Ang throttle ay dapat naka-snap back kapag
pinakawalan.
Mirrors- Linisin at i-adjust lahat ng salamin para masigurong tama ang iyong anggulo sa pagsipat ng ibang
motorista at iyong dinaraanan.
Brakes- Testingin ang harapan o front at rear brakes. Bawat breaks (preno) ay kailangang solid at matindi
ang kapit.
Horn- Testinghin ito lagi para hindi pagmulan ng problema. Tandaan na pagbubusina ay laging senyales sa ibang sasakyan
kung ikaw ay nandiyan o kung ano ang dapat mong ipahiwatig bilang isa ring motorista.