Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Good day, Philippines!
Mabuhay ang mga motorcycle riders sa bansa!
Ika-20 ng Hulyo ngayon,
taong 2010.
Humahataw sa Youtube ang video ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) na may pamagat na Even Demata Riders Club kung
saan kuha ang mga eksena ng video na ito mula sa Quezon City Memorial Circle hanggang Sta. Maria, Bulacan kung saan bumibiyahe
ang grupo kaugnay ng 4th Outing ng samahan kamakailan.
Kahapon, pumalo na sa 854 views ng naturang video.
Ang ganda po kasi ng pagkadale ni Ka. Karen
Rocero na siyang nagsilbing camerawoman ng samahan katuwang si Ka. Ronnie Terrado. Galing!
Kamakalawa, nag-text naman si Ka. Gary
Lilio sa inyong lingkod.
Mababasa natin sa kanyang text ang labis na kasiyahan matapos niyang mapanood ang video na inedit natin bago nilagay
sa CD.
“Artista
na ako!” masayang turan ni Ka. Gary.
Samantala, sa lahat ng kasapi sa PHLRC, mapapanood n’yo na sa CD ang mga masasayang aktibidad
ng ating samahan mula Nasugbu Outing, Matambungkay Outing, Llanera Outing, Sta. Maria Outing, kabilang na ang proyektong Oplan
Linis sa Brgy. Samson, at inauguration ng PHLRC officers. Text n’yo lang po si Ka. Nancy Malindog, internal secretary
ng PHLRC, for more info.
Maiba muna tayo ng usapan.
Kumusta na nga pala si Ka. Nelson Barnedo, aka Overtaker?
Balita po natin, miss na miss na raw niya ang grupo natin.
Mula naman sa inyong lingkod,
welcome na welcome pa rin po kayo sa PHLRC, Ka. Nelson.
Punta po kayo sa Monthly Meeting natin sa Linggo, July 25, 2010, sa oras
na alas 9:00 ng umaga, sa Quezon City Memorial Circle. Kita-kits!
Samantala, may nag-text sa atin kahapon.
Inirereklamo ng mga kumukuhang lisensya
diyan sa LTO-Caloocan itong nagngangalang Mark, na umano’y evaluator ng mga kumuha ng driver’s license.
Wala raw ginagawa itong
MARK TAMAD kundi laging tumatayo at kumakain, kaya’t ang nangyayari ay natatambakan ng mga papeles, at dumadami ang
tao dahil sa kanya.
Atensyon sa hepe ng LTO-Caloocan!
Sampulan mo nga itong tamad mong tauhan!
Mukhang kinukunsinte itong MARK TAMAD ng kanyang mga kasamahan dahil nang
tanungin ng mga kumukuha ng lisensya kung anong apelyido nitong Mark, ayaw nilang ibigay... ang sagot nila ay puro “sandali
lang”. Putik na ‘yan!
Ang galing ha, kumakain sa oras ng trabaho!
Ang ganitong empleyado ng gobyerno ay dapat sibakin sa puwesto!
Ilan ito sa sagabal sa
pag-unlad ng bayan!
Samantala, may nag-text naman sa atin na taga-Lucena City.
‘Yung mayor raw nila na si Ruby C. Talaga na buhat daw mabili niya
ang Agora Market sa Lucena City, gusto raw ng alkalde na lahat ng nagtitinda na nasa tabi ng kalsada gusto niya ay sa loob
ng Agora Market.
Bakit kaya, Mayor Ruby, Ma’am?