Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC na ang ibig sabihin ay Pinoy
Hot Line Riders Club.
***
PASOK sa Cable Network News o CNN ang katangahan ng isang killer
na matapos niyang barilin ang isang konsehal ng Caloocan City na si Reynaldo Dagsa ay nakunan muna siya ng kamera ilang sandali
bago niya kalibitin ang garilyo ng baril na kanyang ginamit sa krimen.
Dahil dito, nakilala ang pagkakakilanlan
ng killer at nadakip din ang kasama nito na nagsilbing look-out na nakunan din ng larawan.
Ang siste,
pinicturan ng konsehal ang tatlong babae na kanyang kapamilya at nasa likod ng tatlo ang look-out at killer na direktang nakatutok
ang baril kay Dagsa.
Ayon pa sa mga nagko-comment sa CNN, kailangang bumalik sa eskuwelahan ang killer para
kumuha ulit ng assassination 101 class.
“Ginamit ng killer ang pinakamabisang teknik para maitago ang
kanyang sarili, he he he!” ayon naman sa isa pang komentarista.
***
Naalala ko
ang isang lokal na diaryo na “Southern Leyte Balita” na dala ng Leyte Team sa kanilang pagbalik dito sa Maynila.
Sa
pahina 5 ng naturang pahayagan, nakasulat doon “St. Bernard is reeady... to receive out Saviour who keeps us safe from
harm throughout the year.” Mensahe ito mula kina Mayor Rico C. Rentuza at Vice-Mayor Rachel B. Avendula at mga miyembro
ng SB o Sangguniang Bayan.
Kamakalawa, idineklara ang State of Calamity sa bayan ng St. Bernard bunsod ng patuloy
na pagbaha at landslides dahil sa walang humpay na buhos ng ulan doon. Ayon sa ulat, dalawang bata ang kumpirmadong patay
sa trahedya.
***
Ayon sa ulat ng ating field reporter na si Ka. Rey Guinto, isang pulis
umano na si Alvarez ng San Jose del Monte Police ang walang awang bumaril at nakapatay sa sibilyang si Arnel Dulzura, 35,
binata, residente ng Purok 1 Ibayo, Marilao, Bulacan dahil lamang sa masamang titig.
Tinamaan ang biktima sa kanyang
tagilirang balakang na agad nitong ikinamatay.
Kung inyong matatandaan, 11 pulis sa Quezon City ang nadawit sa pangingidnap
sa dalawang Indian national. Ba’t nagkaganito ang ating kapulisan?
***
Dinagdagan
ni Pangulong Aquino ang benepisyo ng mga sundalo maliban pa sa pagdoble ng kanilang compat pay na P500 mula sa dating P250.
Ito
ang mabisang paraan para tuluyan nang matuldukan ang mga tangkang kudeta sa ating pamahalaan.
***
Sa
halos isang taong nakalipas, nag-iwan ng isang magandang halimbawa at alaala ang Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) at Pinoy
Hot Line Civic Organization (PHLCO) sa taong 2010.
Noong Disyembre 31 ng nabanggit na taon, nakiisa ang PHLRC riders sa
motorcade sa Binangonan, Rizal na may temang “Iwas Paputok, Sakuna at Sunog” habang ang “Leyte Team”
naman ay matagumpay na narating ang bayan ng Sogod, So. Leyte kaugnay ng Leyte Invasion na may temang “Sugod sa Sogod”
noong Disyembre 28.
Bukod sa malalaking events na ito ng PHLRC, ilang out-of-trips din ang aming naisagawa
maliban pa sa mga aktibidad partikular na ang clean-up drive sa Brgy. A. Samson, Quezon City.
Mula sa mangilan-ngilang
miyembro mula nang itayo ng inyong lingkod ang PHLRC, lumago na ito ngayon... at lalo pang gumanda ang pinagsamahan ng bawat
kasapi dahil lalo naming nakilala ang bawat isa sa amin.
Sa ngayon, para na kaming isang pamilya at
tunay na magkakapatid na ‘di ko naranasan sa dati kong sinalihang riders club.
Bagama’t minsan din dumanas
ng mga pagsubok ang PHLRC/CO, sa kabila nito, iniwan namin ang 2010 na puno ng magagandang alaala at saya.
Umaasa
ako, kami, na sa taong ito, lalo pang tumibay ang samahang ito!
Ayon pa nga kay Ka. Renito, kung may
pagkakaisa, naniniwala siyang may patutunguhan ang samahan.
O, Ka. Rico, nasaan na ang Emperador para masimulan
na ang seremonyas! Ha ha ha!
***
Binabati ni Brgy. Kagawad Golem diyan sa Brgy. Paltok, Quezon City ang
kanyang kaibigan na si Noli Romero.
Bukas ulit!