Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay Pil-RC.
***
FIRST, sa darating na Linggo, Disyembre 5, pagkatapos ng aktibidad ng Pinoy Hot
Line Riders Club (PHLRC) na Takbo PHLRC, iniimbitahan natin ang ating mga kapatid sa grupo na magtungo sa Antipolo City para
sa gagawing survey sa ilang resort doon.
Ito ay may kaugnayan
sa paghahanda ng samahan kaugnay ng Christmas Party sa darating na Disyembre 19.
Sana magkaroon kayo ng oras sa Linggo.
Sa pagkakaalam po kasi natin, maraming mas murang resort sa Antipolo kaya’t alamin muna natin ito nang husto
bago natin ipagbigay-alam sa ating mga kasamahan sa PHLRC at PHLCO.
Sa ibang dako, may natanggap tayong text sumbong kung saan nananawagan ang mga negosyante diyan sa Rosas Sur,
McArthur Hi-way, Brgy. Saluysoy, Meycauayan, Bulacan sa Meralco-Malanday, Valenzuela City na kung maaari raw ay pakisuyod
lamang ang mga iligal na jumper ng kuryente sa nasabing lugar na nagsisimula sa kanto ng Libis hanggang sa Creekside sa Brgy.
Saluysoy.
Ang iligal na jumber na ito ay siyang
ugat ng pag-overload ng kuryente kaya madalas masunog ang iligal na linya. Baka ito pa raw ang dahilan para masunog ang mga
bahay roon.
Maraming beses na raw silang nagrereklamo
sa Meralco pero wala silang aksyong ginawa at tila hindi pinansin ang kanilang hinaing.
O, Meralco-Valenzuela, ano pa ang hinihintay ninyo diyan? Aksyon!