Ang tamang
pagbigkas ng PHLRC ay Pil-RC.
***
Buenas dias, amigos!
Ika-31
ng Mayo ngayon, taon 2010.
Gumuhit na naman ng isang masayang kasaysayan ang Pinoy Hot Line Riders
Club (PHLRC) nitong Biyernes ng gabi matapos gumawa ng kakaibang gimik ang ating kasamang si Ka. Alejandro “Jojo”
Perilla sa pamamagitan ng pagkain ng sabay-sabay kung saan nakalatag ang kanin at ulam sa dahon ng saging, na tinatawag na
“Boodle Fight”.
Bagama’t alas 10:00 na ng gabi nagsidatingan ang grupo sa loob ng
Malakanyang makaraang bumuhos ang napakalakas na ulan sa buong Metro Manila, marami naman sa ating mga kasamahan sa PHLRC
ang nagtungo sa bahay ni Ka. Jojo! Ang saya-saya!
Para sa iyo, kasamang Jojo, ang galing ng gimik
mo! Haist!
Siyempre pa, alas dos na nang madaling araw nakauwi ang inyong lingkod kasama sina
Ka. Renito Arpilleda, na balita natin ay kasalukuyang nagkukumot dahil tinamaan daw ng sakit na lagnat, sina Ka. Gerry Lanuza,
Nancy M., at Trexie Bellen, Ka. Mhae Paycana, at Ka. Jun Tabag.
Sa madaling sabi, napag-iwanan
na kami! Ha ha ha!
Samantala, maraming-maraming salamat sa mga kapatid natin sa hanap-buhay na
dumalo sa ating emergency meeting kahapon. Tenk u! Haist!
Gahol tayo sa oras kahapon, subalit
nag-text naman si Ka. Bong Andrade sa atin na mahigit na sa 50 katao na mga miyembro at opisyales ng PHLCO at PHLRC ang dumalo
sa monthly meeting natin kahapon. Ang galing-galing!
Ia-update natin iyan bukas.
No more space na tayo, bukas ulit mga pare ko! Haist!