Ang tamang pagbigkas
ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Good
day, Philippines!
Mabuhay ang mga motorcycle riders sa bansa!
Ika-10 ng Hulyo ngayon, taong 2010.
Bukas na ang ika-4 na outing ng Pinoy Hot Line Riders Club o mas kilala sa tawag na PIL-RC!
Marami na ang nagkumpirma sa atin na sasama, gayundin sa mga bagong miyembro ng PHLRC! Yes!
Inaasahang ito na ang pinakamasayang biyahe ng PHLRC dahil sa daming sasama sa outing!
Samakatuwid, sobrang haba ng nakahilerang motorsiklo habang sabay-sabay na bumibiyahe
patungong Sta. Maria, Bulacan kung saan gaganapin ang 4th Outing ng samahan.
Tandaan, ang eksaktong oras ng alis natin bukas ay alas-5:00 ng madaling araw. Kailangan na alas-4:30 ng madaling
araw ay nandu’n na tayo sa Quezon City Circle kung saan magkikita-kita ang ating grupo.
Uulitin ko, hindi na P200 ang babayaran natin sa resort kundi P100 na lang para sa maghapon na pamamalagi
natin sa naturang resort. Ibig sabihin, 6am-6pm tayo at uwian din agad dahil batid natin na marami sa atin ang papasok sa
trabaho kinabukasan.
Bago kayo magtungo sa Quezon City Circle, siguraduhing
full tank na ng gasolina ang inyong motorsiklo.
I-double check din ninyo
na dalhin ang rehistro ng inyong motorsiklo gayundin ang inyong driver’s license.
Karagdagang paalala, ‘wag ding kalimutang magdala ng 1 o 2 na extra interior, spark plug, fuse, tool kit para
sakaling magkaroon man ng aberya sa daan kaagad maresolba ng ating magaling na mekanino na si Ka. Michael Aghon.
Ang ating mga marshalls pa rin ay sina Ka. Rico Rocero, Ka. Louie Salva, Ka. Reynaldo
Dispo, habang ang ating mga ride sweepers naman ay sina Ka. Renito Arpilleda, Ka. Ernie Padigdig at Ka. Ronnie Terrado.
Ang ating camerawoman ay si Ka. Karen Rocero at Ka. Nancy Malindog. Gagampanan nila
ang mahalagang papel sa biyahe natin bukas sapagka’t sila ang magdodokumento sa okasyon nating ito mula sa Quezon City
Circle hanggang sa bayan ng Sta. Maria.
Ngayong araw, paki-check n’yo
nang mabuti ang inyong sasakyan lalo na ang brake, signal lights, head light, at kung anu-ano pa. Magdala ng raincoat baka
sakaling biglang umulan.
Mamayang gabi, magpahinga na tayo ng maaga
bilang paghahanda sa biyahe natin bukas.
Sa lahat ng PHLRC riders, para
lalong maging masaya ang ating outing, isama n’yo ang inyong mga misis... at girlfriend naman doon sa mga kasama nating
binata.
Samantalahin na natin ang pagkakataong ito lalo pa’t matagal-tagal
pa bago tayo magkakaroon ulit ng outing.
Bukas, bago tutulak ang ating
grupo, magkakaroon muna tayo ng briefing mula sa ating mga marshalls at ride sweepers.
At isa pang mahalagang paalala, kapag natutukan o nahagip kayo ng camera, ‘wag kayong mahiyang kumaway at ngumiti
para makasama kayo sa gagawin nating video. Kumbaga, feeling artista tayo sa pagkakataong ito, he he he!
Samantala, mapapanood n’yo na Facebook ang proyekto ng PHLRC nitong Hulyo
4, 2010.
Nagpaabot ng mensahe ang isang kaibigan nating riders club
na SRC Straider Riders. Pupunta raw ang ilan sa kanila sa outing natin para ma-meet tayo ng personal.
SRC Riders, mag-text na lang po kayo bukas sa 09199813390.
Hanggang dito muna tayo and see you all again tomorrow!
God bless
and happy trip, PHLRC!