Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
BUENAS
dias, amigos!
Ika-24 ng Hunyo
ngayon, taon 2010.
Ulat panahon
muna tayo.
Sa araw na ito, ang
hilagang Luzon ay makakaranas ng makapal na ulap na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat. Ang buong bahagi ng
bansa ay makakaranas ng pag-uulap na may kasamang pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa bandang hapon hanggang sa gabi.
Samantala, naniniwala ang inyong lingkod na kapag
may naganap na malaking trahedya sa isang lugar, asahang mangyayari rin sa kalapit na lugar din.
Isa sa mga naging halimbawa rito ay ang pagsalpok ng isang SUV sa poste
ng Meralco sa Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng madaling araw kung saan namatay ang pitong magkakabarkada.
Hindi pa man lumipas ang isang araw, siyam naman
ang namatay sa pagsalpok bago sumabog ng isang LPG truck sa isang karinderya sa Carmona, Cavite.
Condolence na lang po sa mga naulila.
Sa ibang dako, sa unang pagkakataon, nagpulong na rin sina Noynoy Aquino
at Jemomar Binay kahapon sa Times Street sa Quezon City.
Ayon sa ulat, halos tumagal ng isang oras ang kanilang pag-uusap.
Sinabi ng ating source, may ibinulong daw si Binay kay Noynoy.
Bigla raw tumaas ang kilay ni Noynoy sa sinabi ni Binay.
Tanong ng ating source sa inyong lingkod, “hulaan
mo kung ano ang sinabi ni Binay kay Noynoy.”
Ang sagot natin, “malamang tinanong ni Binay si Noynoy kung mas guwapo ba siya kaysa kay Roxas! Ha ha ha!”
Samantala, bibigyan-daan muna natin itong mga text
mula sa ating masusugid na mambabasa.
“Lumabas na naman
ang katiwalian ng pulis ng anti-carnapping ng Caloocan-PNP. Nanghuli ng droga? Tatlong babae, piniperahan ng P30,000 at hindi
alam ng hepe ang kaso? Kagaguhan na naman iyan!”
–09079231349
***
“Pakialaman ko na rin ang Sex Education at
Family Planning issue na iyan. Mga pari makikinig ng Sex Education Lecture... nagpapatawa ba kayo? Hindi kaya mas mainam na
ituro lang ‘yan sa graduating college students? DepEd, walang kuwentang isip n’yo para turuan ng sex education
ang mga bata. Kaya po maraming kabataan ang sumusubok sa sex dahil sa maling taming ng pagtuturo!”
–E. delos Santos ng Luzon Avenue, Q.C 09308106424