Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Good day, Philippines!
Mabuhay ang mga motorcycle riders sa bansa!
Ika-19 ng Hulyo ngayon, taong 2010.
Marami tayong natatanggap
na text mula sa ating mga kababayang motorista. Inirereklamo nila ang Sto. Niño Towing Services na nakabase sa Mandaluyong
City.
Ayon sa ating mga texters, kahit na hindi na sakop na kalsada
ng gobyerno ay pinaghahatak ng mga tauhan ng Sto. Niño Towing Service ang kanilang sasakyan. Ni motorsiklo anila ay walang
pinatawad ang towing services na ito.
Katuwiran ng mga tauhan ng SNTS,
naghihigpit na umano ang pamahalaan ng Mandaluyong. Nguni’t giit ng mga motorista, abuso na ang ginagawa ng Sto.
Niño Towing Services!
Dapat na anilang umaksyon ang kinauukulan ng nasabing
lungsod.
O, Mandaluyong City Mayor Benjamin D.C Abalos, Jr.... aksyon!
Tagumpay ang unang arangkada ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) kaugnay ng bagong
aktibidad na inilunsad ng samahan na may temang “TAKBO PHLRC” na ginanap kahapon ng umaga sa Quezon City Memorial
Circle (QCMC).
Bukod sa masaya, naiehersisyo rin ang katawan ng mga
kasapi sa PHLRC na araw-araw ay subsob sa trabaho. Sa pamamagitan din ng aktibidad na ito, maliban sa mapagbuti ang kalusugan
ng bawat kasapi, susi rin ito para tumatag at magiging maganda ang ugnayan ng bawat kasapi sa PHLRC.
Ang “TAKBO PHLRC” ay isang aktibidad ng samahan na idinaos tuwing Linggo sa QCMC mula
alas 5:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga.
Samantala, sa darating
na Linggo (Hulyo 25) na ang Monthly Meeting ng PHLRC.
Magkakaroon na
po ng pagbabago ang oras ng ating meeting.
Mula sa dating alas-3:00
ng hapon, ang bagong oras ng meeting natin ay alas-9:00 na ng umaga.
Opo,
hindi na sa hapon.
Pagkatapos ng ating aktibidad sa umaga ay isusunod
na natin ang ating monthly meeting. Got it?
Speaking of Monthly Meeting,
‘yung mga ‘di na aktibo sa samahan na hindi makakadalo sa darating na Linggo ay dedesisyonan na ng mga opisyales
ng PHLRC.
Maraming-marami pa tayong topic sa Linggo kaya lahat ay obligadong
dumalo sa meeting na ito.
Balik tayo sa aktibidad ng ating grupo tuwing
Linggo, lahat ng sasali ay magsuot ng kulay pula na damit (t-shirt o sando), short pants o jogging pants, rubber shoes, magdala
ng extra na damit, mineral water at biskwet. Puwede rin kayong magdala ng bola, chess board, badminton, etc. na hilig n’yo
sa sports.
Samantala, kahapon ay nag-umpisa na rin ang tinatawag na
“Impok Pilit” na tig-P100 kada Linggo.
Inalis namin ‘yung
tinatawag natin na “Paluwagan” baka dito masira ang ating samahan.
Sa madaling sabi, sa “Impok Pilit” ay nakapag-impok kayo ng P100 kada Linggo.
Makukuha natin ang ating iniimpok na pera sa Christmas Party ng PHLRC.
‘Wag po kayong mag-aalala, ang atin pong pera ay nasa mabuting kamay. Nakasisiguro po tayong
lahat na makukuha natin ito sa Disyembre.
Marami pa rin tayong pag-uusapan
pero bukas na lang.
Maraming-maraming salamat sa ating mga kasama na
nakiisa kahapon sa ating aktibidad na sina Imelda Taganas, Renito Arpilleda, Rico Rocero, Ruben Cabrillas, Louisito Salva,
Michael Aghon, Alejandro Parilla, Ronald Mendez, Glen Calalang, Gary Lilio, Nancy Malindog, Karen Rocero, Ronnie Terrado,
Monica Rocero, Michael Escol, Dhionel Pilan, Alberto Pasilan, Edwin Rosaldo at Even Demata.
Sa totoo lang, ang sarap ng pakiramdam ‘pag naka-jogging!