Ang tamang pagbigkas ng
PHLRC ay PIL-RC na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders Club.
***
FIRST, maraming-maraming salamat sa isa nating kapatid sa PHLRC na nagbigay ng
P2,000 cash para premyo sa games sa X’mas Party sa Linggo.
Nakiusap
siyang ‘wag nang banggitin ang kanyang pangalan. Ang mahalaga, aniya, sa kanya ay masaya siya sa PHLRC. Nauna nang nag-text
si Ka. Nancy M. na sagot na niya ang mga premyo sa games sa Linggo.
***
MAMAYANG alas-11:00 ng umaga, magkikita ang ilang kasapi
sa PHLRC sa trabaho ni Ka. Freddie Bonto sa Brookside, Cainta, Rizal, para mag-escort sa paghahatid sa huling hantungan
ng mga labi ni Sir Arnold Pajaron. Sana makiisa ang iba pa nating kapatid sa samahan.
***
DUMADAMI pa ang mga kasapi sa PHLRC. Masaya pero ang problema,
bahagyang nagkaroon ng kalituhan dahil ang ilang miyembro rito ay pare-pareho ang pangalan. Halimbawa, sa PHLRC, mayroong
tatlong Michael, dalawang Freddie, at marami na ring Jun. Ang nangyari, ‘pag tinawag natin ang isang Michael, silang
tatlo ang lilingon! Ha ha ha!
Sa araw na ito, iminungkahi nating mas
maige kung ang control number na lang nila ang ating babanggitin para maiwasan na ang kalituhang ito. Halimbawa, sa halip
na Ka. Michael Escol, ang code name niya ngayon ay Fourty Two (42). ‘Yan ang kanyang control number sa ating samahan.
‘Pag tinawag na tin siya, halibawa, “42, ang guwapo mo!” or “42, wer na u? d2 n me!” Siguro
naman hindi na lilingon ang dawalang Michael.
Narito pa ang control
numbers ng may kaparehong pangalan.
025 - Michael Aghon
042 - Michael Escol
046 - Michael Cristobal
007 - Freddie Modesto
051 - Freddie Bonto
026 - Diosdado “Jun”
Benitez
015 - Eustaquio “Jun” Tabag
047 - Jesus “Jun” del Agua
003 - Ruben Cabrillas Jr.
034 - Sulficio Fernandez Jr.
021 - Alejandro Parilla Jr.
005 - Renito “Rene” Arpilleda
022 - Reynaldo “Rene”
Dispo
033 - Renante “Rene” Orag
039 - Rene Bajar
024 - Edwin Rosaldo
032 - Erwin Batuampo
***
Samantala, sa lahat ng PHLRC riders, ‘wag
muna kayong mag-text sa inyong lingkod dahil nawala po ang ating cellphone.
***
Sa Disyembre 26 ay susugod na sa bayan ng Sogod, Southern Leyte
ang ilang kasapi sa PHLRC.
Ang longest trip na ito ay pamumunuan
ni Ka. Reneto Arpilleda.
Abangan!