Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Good day, Philippines!
Mabuhay ang mga motorcycle
riders sa bansa!
Ika-24 ng Hulyo ngayon, taong 2010.
Bukas na ang Monthly Meeting ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) at Pinoy Hot Line Civic Organization
(PHLCO) na gaganapin sa Quezon City Memorial Circle sa oras na alas 8:00 ng umaga. Sana ‘di umulan! Ha ha ha!
Speaking of umulan, muntik me mabansa sa ulan kahapon nang pilitin ng inyong lingkod
na mag-drive ng motorsiklo para pumasok sa work!
Mabuti na lang ay nadala
ko ang kapote o raincoat kaya medyo nakaligtas tayo sa sobrang lakas na buhos ng ulan.
Nguni’t ‘di tayo nakaligtas sa sobrang baha sa bawat kanto na ating nadadaanan bukod sa sobrang bagal ng
daloy ng trapiko kahapon. Hirap man, pero ang importante ay guwapo pa rin! Ha ha ha!
Bukas, bago magsimula ang Monthly Meeting, magkakaroon muna ng aktibidad ang PHLCO/RC na may temang “TAKBO PHLRC”
na gaganapin din sa QCMC sa oras na alas 5:00 ng umaga.
Maganda ang
aktibidad na ito sapagka’t nakabubuti ito sa kalusugan sa mga kasapi sa PHLRC lalo pa’t lahat ng ating mga kasama
ay may trabaho. Kumbaga, ito ‘yung araw (Linggo) para paglaanan natin para sa ating kalusugan.
Mahirap na, baka bigla tayong ma-stroke dahil sa kakulangan ng ehersisyo. He he he! ‘Wag naman
sana.
Pagkatapos ng ating Monthly Meeting ay depende na sa ating mga
kasama kung sino ang magyaya para doon ituloy ang kasiyahan, haist!
Sa
kasalukuyan, wala pang naka-line up sa ating samahan kung magkakaroon ba ng outing ang PHLCO/RC sa buwan ng Agosto at Setyembre.
Tag-ulan pa po kasi ang mga nasabing buwan kaya mahirap bumiyahe ng long distance.
Gayunman, sa darating na Oktubre, ang mga lugar na balak pagdadausan ng outing ng PHLRC ay ang Subic, Morong-Bataan,
at Real-Quezon. Isa sa mga lugar na iyan ang target ng 5th Outing ng PHLRC. Abangan...
Samantala, sa darating na Agosto, lahat ng mga kasapi sa PHLRC ay isasailalim sa Media Workshop and Seminar.
Layon nito ay upang matuto ang ating mga kasama kung paano gumawa ng balita at kung
paano makipagpanayam sa mga kilalang tao o hindi man.
Tayong mga kasapi
sa PHLRC, kabilang po tayo sa mamamahayag sa bansa. Mayroon po tayong napakahalagang papel na ginaganapan habang nandito
tayo sa ating samahan... kaya nga po Pinoy Hot Line ang pangalan ng ating samahan.
See tomorrow, mga kapatid!