Buenas dias amigos!
Ika-14 ng Mayo ngayon, Biyernes taong 2010.
Bago tayo magtutungo sa ating talakayan, gusto kong ipaliwanag sa inyo kung ano ang ibig
sabihin ng “buenas dias amigos”.
Ano nga ba iyon?
‘Yan
po ay mula sa salitang Spanish o Espanyol na ang ibig sabihin ay ‘magandang araw mga kaibigan.”
‘Yan po ha. Baka mag-isip kung ano nga ba ang
ibig sabihin niyan.
Marami tayong
naka-text kahapon, sina Ka. Ronnie Terrado, PHLRC Vice Pres. Gerry Lanuza, Ka. Jojo Parilla, Ka. Mark Joseph Gomez, Ka. Miguel
Dulay, Ka. Rey Guinto at mga readers ng ating kolum na nagbigay ng kanilang reaksyon hinggil sa topic natin kahapon na may
pamagat na “Maagang Kinarma si Manny Villar!”
Kamakalawa ng gabi, personal tayong dumalaw sa tahanan ni Ka. Nelson Barnedo aka Overtaker sa Baesa,
Quezon City kasama si Ka. Renito Arpilleda aka Road Spider.
Medyo masikip nga sakaling bibisita ang buong puwersa ng PHLRC sa bahay ni Ka. Nelson. Kaya, iminungkahi
niya na dalhin na lang niya ang pagkain sa Quezon City Memorial Circle kasabay ng meeting ng ating samahan.
Habang nasa kasarapan kami ng pagtatagay, pinapanood
din namin ang video na kuha ni Ka. Karen Rocero kaugnay ng Matabungkay Outing at Nasugbu Outing ng PHLRC.
Natanim sa isip at damdamin natin ang sinabi ni Ka.
Renito sa amin ni Ka. Nelson, mahalin at alagaan daw natin ang grupong ito (PHLRC) dahil hindi lang tayo basta mga miyembro
sa samahang ito kundi para na rin tayong magkakapatid. Galing! Naantig ako dun!
Mga ilang tagay rin ay naubos namin ang dalawang long neck ng Matador Brandy, he he he!
Ang sarap ng aming pulutan, nilagang baboy at litson
manok.
Habang tuloy ang aming
tagay, napahanga ako roon sa pinanood naming DVD ng bandang Bee Gees. Ang galing nilang kumanta! Lupit! Ang dami rin naming
natagay! Ha ha ha!
Mga ka-riders,
bawi na lang tayo sa Linggo.
Sabi
ni Ka. Marlou Dahunog, sa Market Place sa Mandaluyong tayo magtutungo sa Linggo. Walang problema sa paradahan ng ating mga
motor at mura pa ang mga paninda roon, may live band pa!
Kahapon, personal naman nating nakausap si Ka. Ernie Padigdig.
Kumpirmado na ang 3rd Outing ng PHLRC sa darating na Hunyo 12, 2010.
Aniya, malaki ang kambing na ating kakatayin. Ang
resort ay nagkakahalaga lang ng P1,500, may aircon, may TV, malaki ang area na pagtutulugan ng ating mga kumander.
Pag-uusapan natin iyan sa Linggo.
Adios amigos!