Ang
tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
BUENAS dias, amigos!
Ika-11 ng Hunyo ngayon, taon 2010. 1 day before 3rd outing ng PHLCO/RC! Yahooo!!!
Sa
lahat ng PHLRC officers and members, mamayang alas 10:00 ng gabi, tayo ay magkita-kita sa PIT SHOP para sa sabay-sabay nating
biyahe patungong Llanera, Nueva Ecija.
Bagama’t wala namang namumuong sama ng panahon sa
ating bansa partikular sa Metro Manila, kailangan po nating magdala ng raincoat o kapote para magamit sa oras na magkaroon
man ng bahagyang pag-ulan dulot ng moonsoon na nakaapekto sa Northern Luzon.
‘Wag
n’yo na ring kalimutang dalhin o magdala ng tool kit, fuse, spark plug, tire interior, driver’s license at rehistro
ng inyong motor.
Bago tayo sabay-sabay bumiyahe, magkakaroon muna tayo ng briefing sa PIT SHOP.
Magdasal o manalangin muna bago umalis ng bahay na sana’y maging ligtas at masaya ang biyahe ng ating
samahan habang tinatahak ang kahabaan ng national hi-way patungong Nueva Ecija.
God bless, PHLRC!
Samantala, binabati nina Janice Jorquin at Ka. Glenn Villanueva si Antonio Jorquin na nagdiriwang ng kanyang
kaarawan sa araw na ito, Hunyo 12. Magpakanton daw po kayo, he he he!
10
PAYONG KALIGTASAN
PARA SA MGA MOTORCYCLE RIDERS
1.)
Laging maging alisto ang mata o make eye contact. Huwag mong asahang lagi kang nakikita ng ibang motorista. Laging sanayin
ang tumingin sa mga drivers ng ibang behikulo na maaaring bumagtas ng biglaan sa iyong dinaraanan.
2.) Basahin ang mga vehicle language pati na rin ang mga drivers, cyclist at ang pedestrian na nalalamang
parating ka. Hindi nila batid ang iyong layo at bilis. Huwag kang umasa na nalalaman nila ang gusto mong gawin.
3.) Tingnan ang mga left turning vehicles at intersection. Kapag ikaw ay nabangga ng paparating na sasakyan
na kumakambiyo ng pa-kaliwa ay karaniwang sanhi ng pagsimplang ng motorsiklo.
4.)
Laging tingnan ang likuran kapag nagmamaneho kapag nasa highway. Tingnan ang iyong salamin at siguraduhing may katamtaman
kang espasyo mula sa likuran. Ang mga drivers na nasa likuran mo ay baka hindi magmaneho ng mabagal at baka magitgitan ka
ng hindi mo inaasahan.
5.) Tingnan ang mga panganib na mayroon sa kalsada.
Gaya ng basang kalsada, fluid spill o grasa, buhangin, graba, highway sealant, mga railroad tracks (riles ng tren o humps),
butas gaya ng imburnal o manhole, at iba pang gaya nito na maaaring makaapekto ng iyong pagmamaneho. Magiging sanhi kasi ito
ng iyong pagsemplang at aksidente.
6.) Hinay-hinay lang ang takbo kapag may
kurba ang kalsada. Maaari kasing lumagpas ka sa kalsada o sa sentro ng linya at mabangga ng paparating na trapiko. Tingnan
lagi ang dinaraanan, mabagal lamang ang takbo at piliin ang tamang posisyon ng linya bago pumasok sa kurbang linya.
7.) Magsuot ng tamang helmet. Ito ay nakakatulong upang maiwasan ang head injuries
sa 67 porsiyento ng pagkabangga at kaso ng pagkamatay naman ng 29 porsiyento. Siguraduhin na may sticker ang iyong helmet
na nagpapakita na isa itong de kalidad na motorcycle gear. Iwasang bumili ng gamit nang helmet. Maaaring nakaldag na iyon
sa isang aksidente at pinsala nito ay hindi basta agad malalaman.
8.)
Magsuot ng protective clothing na dinisenyo para talaga sa mga motorcycle riders. Ito’y nakakatulong upang proteksiyunan
ka kapag nabangga. Pinoproteksiyunan ka rin nito sa maalinsangang panahon upang manatili kang komportable kahit maalinsangan
o kahit na umuulan. Proteksiyon din ito sa mga bumabagsak na debris kung mayroon man habang binabagtas ang kalsada. Huwag
magmaneho ng motor kapag suot mo lamang ay lightweight pants o slacks at shorts.
9.)
Protektahan ang iyong mata at mukha. Ang hangin na nasasalubong habang nagmamaneho’y nagiging sanhi ng panunubig ng
mga mata, mga lumilipad na insekto. Ang alikabok at debris ay nakakapinsala ng iyong mukha. Ang mabisang proteksiyon dito
ay ang pagsususot ng full faced helmet na may shield na tumatakip sa mukha.
10.)
Magsuot ng bright o maliwanag na kasuotan. Maglagay din ng extra reflecting material dito o magsuot ng reflective vest. Bumili
ng bright colored helmet at lagyan ito ng reflective tapes sa bawat kabila. Lagi rin dapat nakabukas ang iyong headlight.
Magmaneho sa tamang linya sa gayun ay madali kang Makita ng ibang motorista.