Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Buenas dias, amigos!
Ika-31 ng Hulyo ngayon, taong 2010.
***
Nagpaalam na kahapon sa ere ang Wowowee.
Malamang napaiyak si Willie Revillame. He he he! Ika nga sa kasabihan,
bukas
***
Birthday nga pala ngayon
ng Bise-Presidente ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) na si Ka. Gerry Lanuza.
Magpapakanton siya bukas!
***
Bukas ng umaga, gaganapin ulit ang ika-3 linggong aktibidad ng aming samahan,
“TAKBO PHLRC), na gaganapin sa Quezon City Memorial Circle (QCMC) sa Quezon City.
‘Wag kalimutan, magsuot ng kulay
pulang t-shirts o kaya’y sando. Magdala ng mineral water para may mainom ‘pag mauuhaw. Magdala rin ng biskwet
para pantawid gutom. Magkita-kita tayo bukas ng alas-5:00 ng madaling araw. Pagkatapos ng ating aktibidad, tutulak ang ating
grupo sa bahay ni Ka. Gerry Lanuza. Alam n’yo na kung ano ang gagawin natin doon. He he he he!
***
Birthday ng anak naman ni Ka. Ronald Mendez
sa darating na Agosto 8, 2010. Linggo po ang petsang ito. Pagkatapos din ng aktibilidad na “TAKBO PHLRC” ay tutulak
din ang ating grupo sa Montalban, Rizal.
Bilang na raw ang araw ng baboy ni Ka. Ronald! Ha ha ha!
***
Naka-schedule na ang 5th Outing ng Pinoy Hot Line Civic Organzation (PHLCO)
at Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC). Gaganapin ito sa Matabungkay, Lian, Batangas sa darating na Oktubre 1-2, 2010.
May tao nang sasagot sa
pagkain sa outing na ito, at pinag-aaralan pa ng ng inyong lingkod kung magpapalitson ako. Depende kung manalo ako sa lotto!
Ha ha ha ha!
***
Nag-text nga pala sa atin
si Ka. Ruben Cabrillas, isa sa mga board of trustee ng PHLRC, kamakalawa.
Advance happy birthday kay Medardo Valenzuela. Mainit na pagbati
po iyan galing sa PHLCO/RC at kay Ka. Amalia Cabrillas.
***
Binabati naman ng ating masugid na mambabasa na may cellphone number 09217897492
si Malabon City Mayor Tito Oreta na nagdiriwang ng kanyang kaarawan.
Mensahe niya kay Mayor, sana ipagpatuloy niya ang kanyang
pagpapaganda sa inyong bayan. Tiyak daw na busog na busog ngayon ang mga taga-Malabon! Makapunta nga. Ha ha ha!
***
Sa mga gustong sumali nga pala sa PHLRC,
magtungo na lang po kayo bukas sa Quezon City Memorial Circle para maka-fill-up kayo ng form namin para ganap kayong kasapi
ng aming masayang samahan.
Wag kalimutang dalhin ang xerox copy ng rehistro ng inyong motorsiklo at driver’s license n’yo.
Kita-kits bukas, mga Ka-Riders!