Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay Pil-RC.
***
Kung
minsan, iniisip ng mismong organisasyon kung ano ang layunin ng umaanib sa isang Riders Club gaya ng PHLRC. Bakit nga ba sumasali
ang ilan? Dapat isa-alang-alang ito ng kinauukulan o opisyales ng naturang samahan upang malaman at mabatid kung ka-layunin
ba nila o kaisa ang isang indibidwal na rider sa pagsali sa nasabing organisasyon.
At sa mismong motorista
o isang rider, anu-ano ang dapat isaalang-alang sa pagsali sa isang grupo tulad ng PHLRC. Kaisa ba siya o sila sa layunin
at magandang motibo ng grupo?
Narito ang ugali o diwa ng isang motorista sa pagsali sa isang Motorcycle
Club.
• Hindi sumali upang makinabang o bigyan papuri ng sarili. Kaya ka sumali ay upang mapunan
at malibang sa iyong pagiging motorista. Hindi ka sumali upang maisakatuparan ang iyong pansariling pakinabang.
•
Kaya sumali ay upang magkaroon ng bagong kakilala at kaibigan. Hindi mo dapat sila gamitin upang maabot ang iyong self
interest. Sumali ka dahil ibig mong malinang ang iyong self-confidence at self-esteem.
• Hindi
ka sumali upang mang-abuso ng iyong kasamahan sa naturang organisasyon gaya ng pangungutang, paghingi ng pabor na nauuwi sa
pang-momolestiya ng kasama. Sumali ka upang makatulong sa kapwa at hindi ikaw ang dapat tulungan.
•
Hindi ka sumali para magpasikat o maghambog sa iyong kapwa. Kahit na kasali ka ay dapat panatilihin ang pagpapakumbaba.
Hindi ka rin sumali upang pumorma sa ibang motorista. Tandaan na ang essence ng pagsali sa grupo ay magsilbi sa kapwa,
kalikasan, sa inang bayan at sa Diyos.
• Na kaya ka sumali ay para maibsan ang nararamdaman
mong mababang tingin sa sarili kung mayroon ka mang nararamdamang panlulumo. Ang mga kasamahan mo sa club ang siya mong
maituturing karamay at sandalan. Sila ay maituturing mo ring pamilya. At bilang isang pamilya, ituring silang tunay na kadugo.
Tandaan, na kapag mayroong pagkakataon sa iyong buhay na wala kang malalapitan, ang grupo ang tutulong sa iyo.
•
Na kaya ka sumali ay upang magsilbing halimabawa sa ibang motorista na waring naikakahon ang pagiging motorcycle rider.
Hindi dapat sarilinin ang kaloob na biyaya at natatamong pagpapahalaga ng mga kasamahan. Mas marami mas maganda at mas masaya.
Mas mapapadaling maisasaayos ang mga pinapanukalang proyekto at planong makabuluhan kung marami ang involved dito.
•
Kapag ikaw ay kasali na ang layunin ay para sa sarili lamang. Nagiging pabigat ka lang sa grupo. Kapag nalaman nila ang iyong
mga baluktot na layunin, ikaw din ang mawawalan ng pagpapahalaga, ang pag-ibig gaya ng pagdamay ng isang kapatid sa panahon
ng kagipitan.