Buenas dias amigos!
Ika-6 ng Mayo ngayon, araw na Huwebes taong 2010.
Napakahalaga ng topic natin sa araw na ito para sa lahat ng sumasakay ng
motorsiklo. Nawa’y makakatulong ito sa inyo, nguni’t bago tayo dumiretso sa topic na iyan, welcome sa mga bagong
miyembro ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) na sina Ka. Michael Insigne at Elmer De Los Reyes na kapwa nagtatrabaho diyan
sa PLDT na matatagpuan sa Dansalan, Boni Avenue, Mandaluyong City.
Ang probinsiya ni Ka. Michael ay sa Calatagan, Batangas habang sa Banalo, Lobo, Batangas naman si
Ka. Elmer.
Personal natin silang
nakausap kahapon sa tulong nina Ka. Ernie Padigdig at Marlou Dahunog.
Ayon kay Ka. Michael, mayroon daw magandang beach resort sa Calatagan, Batangas, at sinabi niyang
sa Setyembre 20 ang birthday niya. Hmmm... may naaamoy na ako a! Ha ha ha ha!
Umorder na rin si Ka. Michael ng uniporme ng PHLRC. Galing!
Kung hindi ako nagkakamali, halos magkakasintangkad lang si Ka. Michael
at James Yap, mister ni Kris Aquino! Grabe!
Para sa inyo, Ka. Michael at Ka. Elmer, welcome po sa ating masayang tahanan, ang Pinoy Hot Line Riders Club o PHLRC
(Pil-RC ang tamang bigkas).
May
bago pa tayong magiging miyembro sa PHLRC, at ito si Reynaldo Dispo ng Acacia Lane, Mandaluyong City.
Sa ibang dako, maraming salamat kay Ate Deng, mother
ni Ka. Joseph “Jojo” Leuterio dahil sa masarap na luto niya, na ipinalasap niya sa ating mga kasamang riders sa
PHLRC nang magtungo ang ating grupo sa bahay ni Ka. Jojo kamakalawa ng gabi sa Sta. Lucia, San Juan City, para magbigay ng
moral support kay Ka. Dan Alfred Madriaga na nakawan ng motor kamakailan, at pagbibigay na rin niya ng side line sa ating
mga kasama sa PHLRC. Solid na solid ang PHLRC nang nang dumalaw kina Ka. Alfred at Kay Ka. Jojo. Klap, klap, klap!
Bueno, kuwentuhan na lang ulit tayo tomorrow. Bigyang
daan muna natin ang napakahalagang paksa natin sa araw na ito para sa mga kababayan nating motorista at sumasakay ng motorsiklo.
Ang motorcycle riding ay maaaring ituring isang sport,
uri ng transportasyon, at isang libangan. Ngunit, anumang panahon na meron ka kapag gusto mong sumakay nito kung hindi ka
nag-iingat, maaaring ikapanganib ito ng iyong buhay. Maging maingat kapag ikaw ay sumakay ng isang motor. Ito ang maging numero
unong prayoridad mo. Dahil sa bawat sakay natin ng motorsiklo, mas mataas ang peligro ng aksidente.
Narito ang ilang payong pangkaligtasan sa pagsakay ng motorsiklo.
1. Magsuot ng helmet. Kapag ika’y natumba ay talaga namang mapanganib. Kapag wala kang helmet
at ika’y sumemplang ay maaaring nakamamatay.
2. Magsanay muna dahil ito ay hindi isang bisikleta. kapag hindi ka nakakapagmaneho ng motorsiklo, maraming
komplikasyon ang maaaring mangyari.
3.
Huwag magmaneho ng mabilis. Hindi ka sumakay ng motor para pumorma lamang. Maaaring makasakit ka o ikaw ang masaktan. Magmaneho
lamang sa bilis na 5 milya kada oras.
4. Magsuot ng bright colors. Sa gayun mas madali kang mapansin ng ibang motorista upang mabigyan ka ng signal kung
ano ang gagawin mo o nang gagawin nila. Mas aplikaple ito lalo na sa gabi. Kaya iwas disgrasya ka.
5. Magmaneho ng nasa kondisyon. Iwasang antukin. Nababawasan ang kakayahan
mo at atensiyon kapag sinusumpong ka ng antok. Maging cool din. Huwag agad iinit ang ulo kapag nalagay sa isang gusot. Humingi
ng pasensiya kung may naabala o nagipit sa lansangan. Kahit hindi ikaw ang may mali, ikaw na ang humingi ng pasensiya. Walang
masama sa pagiging mapagpakumbaba.
Prepared by:
Ravenson Biason
2010 Suzuki Motor Race Tournament 3rd Runner Up, Kuala Lumpur