Buenas dias amigos!
Habang patuloy na gumugulong ang araw, lalong lumalala ang init ng panahon!
Kawawa ang mga kababayan nating motorista na bumibiyahe sa dakong tanghali.
Ang maipapayo natin sa kanila, magdala na lang ng mineral water para iwas stroke.
Dahil sa sobrang init, madali lang din mauubos ang gasolina partikular sa mga gumagamit ng motorsiklo, kaya’t
‘wag masyadong bumibiyahe sa tanghali. Pero kung sagot naman ng kumpanya ang gasolina n’yo, hala sige, takbo lang
nang takbo, he he he!
Kahapon, natalakay natin ang malalakas na lindol na tumama sa iba’t ibang panig ng mundo.
At dahil kasalukuyang nakararanas ng El Niño ang bansa natin, anumang oras ay posible ngang magkalindol sa
Pilipinas! Ipinalangin na lang natin na sana’y ‘wag itong mangyari.
Kamakailan, nag-text sa atin ang kapatid natin sa pananampalataya.
Lubos na pinag-iingat at pinaghahanda ngayon ang mga kapatid sa aming relihiyon dahil mayroon umanong magaganap
na kagimbal-gimbal at kalagim-lagim na mangyayari sa Pilipinas sa taong ito.
Kinalibutan tayo sa naturang text, pero napagtanto natin na ang buhay natin ay hiram lamang natin sa ating
Dakilang Tagapaglikha.
Samakatuwid, wala tayong dapat ikatakot kung kunin na ng Diyos ang hiniram nating buhay sa Kanya.
Pero sana, ‘wag naman masyadong maaga dahil marami pa tayong utang na hindi nababayaran! Ha ha ha!
Sabi pa nga ng kasama nating si Bogart, kakain pa siya ng bigas na P33.00 ang kilo, he he he!
Hirit naman ni Pareng Louie, ‘di bale nang laging tuyo at bagoong ang ulam, ang mahalaga ay malusog
tayo at mapayapang namumuhay sa mundong ito.
Samantala, paalala ko lang sa mga kasama natin sa Pinoy Hot Line Riders Club, may meeting po tayo
sa Linggo, 3pm po iyan sa Quezon City Circle.
Kita-kits na lang tayo sa area, mga kasama!
Parang tumutulo ang laway ko ‘pag nakakaala ako ng papaitan! Ha ha ha!
Sa mga gustong magpa-member sa PHLRC, magkikita po tayo sa Linggo. Pakidala na lang po ng requirements namin
sa inyo.
May nag-text!
"Maraming salamat po kay Jelo at Josie Lopez ng Sta. Maria, Bulacan dahil ipinahiram nila ang kanilang bus
para makapag-swimming kami ng libre ng pamilya ko pati mga kapit-bahay namin sa Subic. Muli po, maraming-maraming salamat
po."
–Ka. Rey Guinto ng PHLCO