Ang
tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
OPISYAL nang inanunyos kahapon ng Palasyo ng Malakanyang na non-working holiday
ang Ika-29 ng Nobyembre kaugnay ng Bonifacio Day.
Muli
na namang magsasama-sama ang Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) sa Mount Samat sa Bataan! Yeheeeeey!
***
Mahigit
sa 100 days na rin pala buhat nang manungkulan si Noynoy Aquino bilang Pangulo ng bansa.
Kung hindi ako nagkamali, wangwang pa lang ang naipatupad niya. Ngeek!
***
UMANI ng negatibong
reaksyon ang pagsalang ni Valenzuela City Congresswoman Shalani Soledad bilang pinakabagong host ng Willing Willie sa TV5.
Mahina raw kasi ang boses niya at boring kung magsalita.
Hirit naman ng iba nating kababayan, ‘wag muna raw natin siyang husgahan
sapagka’t bagong host pa lang naman ito ni Willie Revillame.
***
Laging inihihirit ni Willie Revillame
sa kanyang programa sa TV5, na puso raw sa kanyang game show si Shalani Soledad dahil nakahanda umanong tumulong ang dalaga
sa mahihirap.
Humirit naman ang mga kritiko. Tanong
nila, puwede naman daw tumulong sa kapwa na hindi sa pamamagitan ng telebisyon. Kumbaga, kusang tulong. Hindi nga raw bagay
si Shalani sa mga game show tulad ng show ni Willie Revillame, sa halip, mas angkop sa kanya ang Public Affairs Programs.
May geeeeeenun?
***
Posibleng abutin pa ng mahigit isang buwan saka na puwedeng kainin ang talaba
sa Bataan.
Sa Maynila, kahit hilaw na talaba puwede
nang kainin! Ha ha ha! Mas masarap kainin ‘pag hinugasang mabuti! Ha ha ha ha! Kayo ha! Green minded kayo! Mga talaba
iyan galing Cavite. Toink!
***
Patung-pato na kaso ang isinampa kahapon ng PNP sa Department of Justice laban
sa mga naarestong miyembro ng Bundol Gang.
Bundol Gang ha! Hindi
Dunggol Gang ang pinatungan! Este, ang sinampahan ng patung-patong na kaso.
***
Sa Linggo na ang bakbakang
Pacman-Margareto sa Texas!
Uulan ng limpak-limpak na pera sa buong
mundo!
***
Isinusulat ko ang kolum na ito kahapon, naaalala ko ang mga posters sa mga Shell Gasoline Stations.
May nakasulat kasi roon na “To Improve Performance” at may arrow pa na nakaturo sa V-Power.
Sunod kong nabasa, kinulang daw sila ng supply ng V-Power dahil walang delivery!
Ngeeek!
***
UMANGAL na ang milyong-milyong mga magulang sa bansa kung saan hiniling nila sa DepEd na alisin
na ang PTA sa mga pampublikong eskuwelahang elemetarya at primarya.
Ginawa lang daw kasi itong raket ng mga hinayupak na mga guro at principal!
***
Ayon sa PAGASA kahapon,
gaganda na raw ang ating panahon ngayong araw.
Inaasahang
magkakaroon ng kalat-kalat na pagbaha sa pangunahing lansangan sa Maynila. Kailan ba tumama ang hula ng PAGASA? Ngiyaaaak!
***
May lakad nga pala ang
PHLRC riders sa Linggo pagkatapos ng aktibidad ng grupo na TAKBO PHLRC.
Imbitado ang PHLRC riders sa birthday ng ama ni Ka. Ronnie Terrado na si G. Felomino Terrado at 10th Anniversary
naman nila ni Ka. Ronnie at Ka. Karen Rocero. Hindi ako kakain ng tanghalian para makarami! He he he he! Kuwentuhan ulit tayo
bukas. Haist!