Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders
Club.
***
Maligayang
taon sa ating lahat! Yahoooo!!!
Haharapin natin sa taong ito ang iba’t
ibang hamon sa buhay. Paktay!
***
Isang nagngangalang Neil Cabrera ang tumawag umano sa isang himpilan ng pulisya sa Montalban, Rizal, upang ireklamo
ang peryahan sa nabanggit na lugar.
Paglilinaw lang po. Wala po kaming
reporter dito sa TORO na nagngangalang Neil Cabrera.
‘Pag tumawag
ulit iyan, papuntahin n’yo ng personal sa inyong himpilan sabay posas sa kanyang mga kamay.
Babala namin ito sa iba pang mga pekeng reporter na ginagamit ang pangalan ng aming pahayagan!
***
Matagumpay ang isinagawang
motorcade sa Binangonan, Rizal na may temang “Oplan Iwas Paputok, Sakuna at Sunog” nitong Dis. 31 sa pangunguna
ni BFP Chief Supt. Ely Gonzal, BJMP Sr. Insp. Jose Esquinas, Binangonan-PNP Chief S/Supt. Rodino Elfa, mga konsehal at Sangguniang
Bayan ng Binangonan.
Nakilahok dito ang Kabalikat Civicom, San Juan
Riders Club, Binangonan Bikers, SAU at PHLRC sa pangunguna ng inyong lingkod, Adviser Edgar Maglalang, Pres. Freddie Modesto,
Vice Pres. Gerry Lanuza, Alberto Sanico, Daniel Tutor, Mike Cristobal, Dondon Cortuna, at Roberto Sanchez.
Bukas ulit!