Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC habang sa PHLCO
naman ay PIL-CO.
***
GOOD
day, Philippines!
5 days na lang at 5th Outing na ng Pinoy Hot Line Civic
Organization & Riders Club (PHLCO/RC) na gaganapin sa Matabungkay Beach Resort sa Lian, Batangas. Yahooo!!!
***
Samantala, sulit na sulit at napaka-espesyal
para sa lahat ng PHLRC riders ang ibinigay na impormasyon ni Ka. Edgar Maglalang na may kinalaman sa safety measures at mga
batas ng Land Transportation Office (LTO) sa lahat ng motorista sa bansa.
Ipinaliwanag
ni Ka. Edgar kung bakit bawal ang pag-aangkas ng bata (mula 7 years old pababa) sa motorsiklo lalo na kung ang bata ay nakapuwesto
o nakaupo sa harap ng driver.
Ani Ka. Edgar, kung sakaling mamatay
ang bata dahil sa aksidente, parang tayong mga magulang na rin ang pumatay sa sarili nating anak. How sad!
Kapag mahuli ka ng LTO na angkas ang bata, ikaw ay magmumulta ng P1,000.
Sa mga unregistered na sasakyan gaya ng motorsiklo na mahuli ng LTO, bukod sa ma-impound ito,
magbabayad ka pa ng P7,000 bago mo ito makuha o matubos sa LTO. Ang pinakamasaklap, bago mo makuha ang iyong sasakyan, kailangang
iparehistro mo muna ito. Ang gastos ha!
Kaya, sa mga nagmamaneho ng sasakyan
na hindi rehistrado sa LTO, mag-isip-isip na kayo!
Sa mga motorista
naman na walang driver’s license, kapag mahuli kayo ng LTO, P1,500 ang babayaran ninyo. Kung expired na ang driver’s
license, P400 ang inyong multa.
Ito ang pinakamalupit. Binuksan natin
website ng LTO kahapon.
Narito ang babayaran ng mga violators
na may koneksyon sa lisensya.
Pero bago diyan, si Ka. Edgar Maglalang
ay itinalaga sa PHLRC bilang adviser bilang kapalit sa dating adviser ng samahan na si Ka. Louie Salva na hindi na konektado
sa grupo.
Naka-text natin si Ka. Edgar kahapon.
Umaasa siya na makarating ang ating mga kapatid sa PHLRC sa kanyang birthday sa darating Oktubre 10 (Linggo) pagkatapos
ng motorcade sa Valenzuela City. Kinumpirma naman ni Ka. Edgar na ang eksaktong araw na kanyang kaarawan ay Oktubre 11 (Lunes).
Linggo lang ang available na araw ng mga PHLRC riders dahil lahat ito ay may mga trabaho.
Speaking of birthday, kaarawan naman ni Even Demata ngayong araw! Maraming-maraming salamat sa lahat ng bumati. Sa
Matabungkay Outing na ang selebrasyon kasama ang mga kapatid natin sa PHLCO/RC! Yeheeey!