Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay Pil-RC.
***
UNANG-UNA, balita po natin ay nagkakasakit ang ating mga kapatid sa Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) na sina Ka.
Rico Rocero sampu ng kanyang pamilya.
Magpagaling po kayo, mga kapatid.
Uso talaga ngayon ang karamdaman dulot ng pabago-bagong sistema ng ating panahon.
***
Welcome sa dalawang bagong
miyembro ng PHLRC, ito ay sina Ka. Roberto Sanchez at Ka. Dondon Cortuna.
Sa mga bago miyembro ng PHLRC, ‘wag kayong magtaka kung bakit “KA” ang tawagan natin dito sa ating
samahan. Ang PHLRC ay isang riders club ng kapatiran. Layon ng samahan na ito ay magtulungan at may paggalang sa isa’t
isa o bawat kasapi ng samahan.
Ka. Roberto at Ka. Dondon, welcome
po sa masaya nating tahanan, ang PHLRC!
***
Kahapon, nag-survey ang ilang kasapi sa PHLRC sa Paenaan, Antipolo City.
Dalawang resorts ang aming napuntahan, at bukas ay malalaman na natin kung ano ang pinakahuling
status hinggil sa usaping ito. Monitor na lang lagi tayo sa ating website para sa pinakahuling update – sa www.even.tripod.com.
Maraming-maraming salamat sa lahat ng kapatid natin sa PHLRC na sumama sa survey
natin kahapon.
***
Isinusulat ng inyong lingkod ang kolum na ito kahapon, birit na birit sa Ka. Glen Calalang sa pagkanta ng “Labanan
Natin ang Tukso” ng J Brothers sa aming bahay. He he he!
Tumambay
muna sila Ka. Jojo Parilla, Ka. Nancy Malindog, Ka. Freddie Bonto, at Ka. Glen sa aming bahay kahapon bago ang survey.
Balita pa natin, ayon kay Ka. Jojo, on-the-way na raw si Ka. Mike Cristobal papuntang
sa aming bahay.
Bukas ulit!