Buenas
dias, amigos!
Ika-1 ng Mayo ngayon taon 2010.
Napakahalaga ng paksang tatalakayin
natin sa araw na ito, pero bago tayo tumulak sa topic na iyan, nais muna nating batiin ang Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC)-
Pampanga Chapter sa pangunguna ni Ka. Jeffrey Lirio katuwang ang ating mga kasama na sina Mark, Cholo, Aries, Jay, Kulot,
at Jan-jan diyan sa Barangay Dolores, San Fernando City, Pampanga.
Magandang araw sa inyong lahat
diyan, mga kasama sa PHLRC!
Maghanda-handa na kayo ng kape dahil susugod na sa inyong lugar ang
buong puwersa ng PHLRC na nakabase sa Metro Manila. He he he!
Again, magandang araw sa inyong
lahat diyan sa Pampanga!
Samantala, bukas na ng alas 3:00 ng madaling araw ang biyahe ng PHLRC
sa Calatagan, Batangas. Ang meeting place natin ay sa Baywalk (sa dulo ng Pedro Gil) sa Maynila. Kailangang alas 2:00 ng madaling
araw ay nakaalis na kayo sa inyong bahay. ‘Wag kalimutang magdala ng baon na pagkain na puwede n’yong ibahagi
sa ating mga kasamang riders. Maaari rin kayong magdala ng pupuwede nating magpalibangan gaya ng baraha, bola, gitara, at
kung ano pa, kaugnay ng outing natin para sa buwan na Mayo.
Higit sa lahat, ‘wag kalimutang
dalhin (itsek n’yong mabuti) ang rehistro ng inyong motor, driver’s license, tools, fuse, extra spark plug, extra
tire interior at kung anu-ano pa. Magkakaroon muna tayo ng briefing bago bumiyahe.
Mahalaga ang
presentasyon sa okasyong ito ng ating PHLRC National President Freddie Modesto at Vice President Gerry Lanuza lalong-lalo
na ang ating mga marshall na sina Rico Rocero at Nelson Barnedo gayundin sa ating rider sweeper na si Renito Arpilleda.
At dahil makasaysayan ang okasyong ito ng ating samahan, nakahanda na rin para magdokumento ang ating mga
cameraman at camerawoman na sina Ronnie Terrado at Karen Rocero.
At sa lahat ng
mga readers ng TORO na nag-i-inquire para sumali sa PHLRC, sa araw na Lunes na namin kayo i-entertainin. Busy pa kasi kami
sa paglangoy sa dagat at sa alak! Ha ha ha!
Bago ko nga pala makakalimutan, sa lahat ng miyembro
ng PHLRC, ‘wag n’yong kalimutang dalhin ang cedula para aasikasuhin na natin ang pinakamahalagang bagay para sa
ating samahan.
‘Yun namang wala pang mga uniporme ng PHLRC, makukuha n’yo bukas
kasabay ng ating outing.
Nawa’y patnubayan tayo ng ating Panginoong Diyos sa okasyon nating
ito lalong-lalo na sa mga daan na ating tatahakin patungong Calatagan hanggang sa pagbalik natin ng Maynila.
God
bless our trip!
I love you, PHLRC!
Adios amigos!