Ang
tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Good day, Philippines!
Mabuhay ang mga motorcycle riders sa bansa!
Ika-23 ng Hulyo ngayon, taong 2010.
Muntik bumigay ang makina ng ating motorsiklo
sa pag-uwi natin kamakalawa ng hapon nang pilitin nating sumubsob sa baha sa Marcos Hi-way sa Antipolo City, sa harap ng Kingsville
Subdivision.
Mabuti na lang at hindi bumigay ang aking motor, he he he!
Nag-text sa atin kahapon si Ka. Alejandor “Jojo” Parilla.
Inuulat niya ang isang
aksidente na naganap sa Ayala Blvd. corner Marcelino St., sa Quiapo, Manila, dakong ala-una ng hapon.
Aniya, isang motorsiklo ang pumasok sa
ilalim ng 10 wheeler truck.
Durog umano ang motorsiklo kung saan ginamitan ito ng jack ng mga awtoridad para lang makuha ang motor sa ilalim ng
trak.
Putik!
Kaya pala sobrang trapik kahapon sa may Legarda! May naaksidente pala!
Pero teka, Ka. Jojo, anong nangyari sa driver ng motorsiklo?
Samantala, sa Linggo na
ang Monthly Meeting ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) na gaganapin sa Quezon City Memorial Circle sa oras na alas 8:00
ng umaga.
Maraming
paksa ang tatalakayin ng ating samahan.
Kasabay nito, magkakaroon naman ng meeting ang lahat ng kasapi sa Pinoy Hot Line Civic Organization
(PHLCO).
May
mahalagang mensahe ang bagong presidente ng PHLCO na si Ka. Josie Malupa sa mga miyembro ng samahan.
PAALALA: Ang mga miyembro ng PHLCO na hindi
na aktibo sa grupo at hindi makakadalo sa meeting na ito ay ititiwalag na sasamahan. Final decision na ‘yan.
Gayundin sa mga hindi na
aktibong kasapi ng PHLRC na hindi makaka-attend sa Linggo ay hindi na kilalaning miyembro ng samahan.
Bago magsimula ang Monthly Meeting, magkakaroon
muna ng aktibidad ang PHLCO/RC kung saan sa ikalawang pagkakataon ay idadaos ang “TAKBO PHLRC” sa Quezon City
Memorial Circle (QCMC).
Lahat na sasali sa aktibidad na ito ay magsuot na kulay pula na sando o kaya’y t-shirt, mag-short
pants o mag-jogging pants, magdala ng mineral water at biskwet.
Maaari ring magdala ng mga gamit gaya ng bola para sa volleyball, basketball,
badminton, at chess.
Pabilisan tayo ng takbo sa Linggo! Ha ha ha!
Kita-kits, mga kasama!
Samantala, ang inyong lingkod ay may mahalagang mensahe sa lahat mga kasapi sa PHLCO/RC.
Ito ay tungkol sa paghahanda
ng ating mga samahan sakaling magkaroon man ng kalamidad at maaakpektuhan ang ating mga kababayan.
Kahapon po kasi ay napanood natin ulit
ang video ng PHLCO kung saan naglunsad kami noon ng proyekto na may temang “Operasyon Abot-Kamay” para sa mga
nabiktima ng bagyong Ondoy.
Bago pa man magkakaroon ng kalamidad, kailangan siguro na nakahanda na ang ating grupo para may ipamimigay agad na
mga relief goods sa ating mga kababayang nabiktima.
Ikokonsulta natin ito sa ating mga kasamahan sa PHLCO/RC kung ano ang magiging suhestiyon nila.
Bago tayo pansamantalang
magpapaalam sa araw na ito, happy Pinoy Hot Line reading po kay Michael Braga na suking reader natin sa Facebook.
Good bless po sa inyo.