Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
BUENAS dias, amigos!
Ika-22 ng Hunyo ngayon, taon 2010.
Plantsado na ang mga rules and regulations ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC).
Kasabay
ng monthly meeting ng pinagsanib na samahang Pinoy Hot Line Civic Organization at Pinoy Hot Line Riders Club, lahat ng miyembro
ng PHLRC maging sa mga aplikante nito ay pi-fill-up na sa panibagong registration form ng samahan. Ito ang napagkasunduan
ng mga opisyales ng samahan.
Napakaganda ng rules and regulation ng PHLRC, ito ay para sa ikabubuti
ng bawat isa sa mga miyembro at hindi para lang sa isang tao. ‘Yan ang good news natin sa lahat ng ating mga kasama!
Klap, klap, klap!
Sa Linggo, tatalakayin natin ang iba pang mga alituntunin, panuntunan, at layunin
ng PHLRC.
Samantala, plantsado na rin ang proyektong ilulunsad ng PHLCO/RC sa darating na Hulyo
4. Maraming salamat po sa iyo, Kapitan Alfred Ano, ng Brgy. Paltok, Quezon City katuwang ang ating kasamahan sa Board of Trustee
na si Ka. Rico Rocero.
Isa sa mga layunin ng PHLCO/RC ay ang maglingkod sa bayan.
Samantala, maraming salamat sa ating mga masisipag na opisyales ng PHLRC. 97% po ang present sa emergency
natin kamakalawa.
Many thanks kina Ka. Rico Rico na nagbigay sa atin ng pagkakataon na idaos ang
meeting ng samahan sa kanilang tahanan katuwang ang kanyang may-bahay na si Ka. Monica maging sa kanilang anak na dalaga na
si Ka. Karen at sa kanyang future husband na si Ka. Ronnie Terrado.
Nakausap nga pala natin si
Ka. Ronnie kasabay ng emergency meeting ng mga PHLRC officers.
Gusto rin niyang bumisita sa kanilang
bahay ang lahat ng mga kasapi sa PHLRC pero ang problema, aniya, ay wala raw magluluto.
Bigla
kong naalala si Ka. Dan Alfred Madriaga! Ha ha ha!
Ang sarap po kasing magluto ni Ka. Dan sa totoo
lang.
Samantala, magkakaroon na rin ng PHLRC Identification Card ang lahat ng opisyales at miyembro
sa Linggo.
Makipag-ugnayan lang po kay Ka. Mhae Paycana o kay Ka. Nancy Malindog kung paano ang proseso
para makakuha na nito.
Sa iba pang topic, ang 4th Outing ng PHLRC ay sa darating na Hulyo 11 na
gaganapin sa Real, Quezon Province.
Ngayon pa lang, kailangang maghanda-handa na ang ating mga
kasamahan sa PHLRC.
Malapit lang po ang Real, Quezon Province kaya’t maaari tayong bumiyahe
ng alas 5:00 ng madaling araw.
Pag-uusapan pa natin ito sa darating na Linggo.
Kamakalawa
rin ay nag-usap kami ni Ka. Ruben Cabrillas.
Gagagawa muna siya ng sample bago niya ipapakita
ang uniporme ng PHLRC na lalagyan ng light reflector.
Tatalakayin din natin ito sa Linggo.
Marami pa tayong pag-uusapan sa Linggo, kaya’t bawal na po ang mag-absent sa napakahalagang araw na
ito ng ating samahan.
May penalty na po sa sinumang miyembro ng mag-absent sa mothly meeting ng
PHLRC gayundin sa PHLCO.
Ang PHLRC ay patuloy na dini-develop ng inyong lingkod katuwang ang mga
opisyales at board of trustee para mas lalo pang lumago at may mararating ang ating samahan.
Hangad
namin na lahat ng kasapi ay makiisa at maging katuwang sa iisa nating mithiin.
Ang PHLRC ay hindi
lang para iba, sa iisang tao, kundi para sa lahat ng kasapi nito.
Mabuhay ka, PHLRC!
Adios,
amigos!