Ang
tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Good day, Philippines!
Mabuhay ang mga motorcycle riders sa bansa!
Ika-29 ng Hulyo ngayon, taong 2010.
First, binabati natin ang ating mga kaibigan
na sina Ismael Cayungcong, Opao Dalubhasa, Dodong, at Toots McArthur diyan sa Bozz’s Cellphone Repair na matatagpuan
sa Rizal Avenue, Avenida, Manila, sa harap ng Jollibee at Chowking Restaurant. Good day sa inyong lahat, mga kababayan!
Samantala, mahigit sa 40
miyembro ng PHLCO/RC ang dumalo sa 1st Death Anniversarry ng ama ni Ka. Michael Escol kamakalawa ng gabi, July 27, 2010.
Ang ama ni Ka. Michael
ay namatay sa aksidente sa motorsiklo matapos pilitin nitong magmaneho kahit nasa impluwensiya ng alak.
Sa naturang paggunita,
nagkaroon din ng emergency meeting ang mga opisyales at mga miyembro ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC). Personal nating
naibahagi sa ating mga kasama ang tunay na layunin, pananaw at adhikain ng PHLRC... hindi lang para sa isang tao, sa isang
miyembro, kundi sa buong kasapi ng samahan. Maraming salamat sa lahat ng ating mga kasama na dumalo. Ang sarap nu’ng
litson! He he he!
Kumusta na nga pala ang sumbrero? Ha ha ha!
Nag-text sa atin kahapon si Pareng Richard Banua.
Ipinagbigay-alam niya sa atin ang pagkatsugi ng pangtanghaling
programa ng ABS-CBN, ang Wowowee.
Samakatuwid, simula sa darating na Sabado, taliwas sa mga haka-haka na babalik diumano si Willie
Revillame sa kanyang programa, kinumpirma na ng mataas na opisyal ng Kapamilya na tsugi na ang naturang show.
Ang Wowowee ay pinalitan
na ng bagong programang “Pilipinas, Win na Win” kung saan ang mga main hosts dito ay sina Robin Padilla, Kris
Aquino, Mariel Rodriguez, Pokwang, at Valerie Concepcion.
Ayon sa natanggap nating impormasyon, si Willie ay magkakaroon ng panibagong
programa sa Kapamilya Network.
Tanong ng ilan nating kababayan, mag-click kaya ang bagong show ni Willie Revillame sa kabila ng
maraming batikos na ipinukol sa kanya ng ating mga kababayan dahil sa pagiging mayabang, mandaraya, bastos, manyakis, at arogante?
At may nagkomento rin sa
atin, mapapataob kaya ng Pilipinas, Win na Win ang Eat Bulaga kung saan ang mga haligi rito ay sina Tito, Vic, and Joey?
Maiba nga pala tayo, tungkol
naman ito kay Robin Padilla.
Sa kasagsagan ng pagbakasyon ni Willie sa kanyang programang Wowowee, kamakailan, si Robin Padilla ang pansamantalang
host ng nasabing programa sa loob ng ilang araw. Humataw ang ratings ng Wowowee nang si Robin ang mag-host.
Patok daw kasi sa masa
ang mga istilo ni Binoe.
Dahil dito, kinausap ng ABS-CBN executive na si Robin na lang ang ipapalit kay Willie bilang host sa Wowowee.
Tumanggi si Robin. Ang
kanyang katuwiran, iba ang nagtanim sa Wowowee at alam din niya na pinaghirapan ni Willie ang naturang programa.
Walang nagawa ang ABS-CBN
sa naging desisyon ni Binoe.
Nguni’t sadyang malikot lang siguro ang isip ng mga ehekutibo ng Kapamilya.
Para walang masagasaan, pinalitan nila
ang Wowowee para makumbinse na nila si Robin Padilla na magiging host sa bagong programa ng Kapamilya, at ito nga... mapapanood
na natin sa Sabado ang “Pilipinas, Win na Win”.
Ngayon, marami ang nagtatanong sa atin... paano na si Willie Revillame?
Paano na ang kanyang ipinagmamalaki niyang
ari-arian noon?
Paano
na ang kanyang ipinatayong Wil Tower kuno? Matutuloy pa ba ito? Mukhang malabo na nga lalo pa’t natalo si Manny Villar
sa pagka-Presidente sa Pilipinas nitong nakalipas na halalan, kung saan kung pinalad itong manalo, ito ang sasagot sa pagpapatayo
ng Wil Tower ni Willie, kaya naman todo-todo ang ibinigay ng suporta ng mayabang na TV host kay Villar, nguni’t minalas
nga lang.
Speaking
of Wil Tower, ani Pareng Richard, mamimingwit na lang ng tilapiya si Willie sa Wil Fish Pond, he he he.
Puwede rin daw gawing Wil
Cemetery ang tower ni Willie dahil nakatiwangwang na ito ngayon. Ha ha ha!
Ayon sa source natin sa loob ng Kapamilya, lahat ng mukha
o mga larawan ni Willie na nakapaskil sa loob ng ABS-CBN ay pinagbabaklas na kahapon.
Malungkot na rin daw ang mga tuta ni Willie.
May nabasa pa nga akong
comment sa Facebook kahapon, babalik daw si Willie sa pamamagitan ng bagong programa nito para makapang-uto ulit sa ating
mga kababayang Pilipino.
Naalala ko pa nga ang pasaring ni Joey De Leon kay Willie noon, “Kayabangan ni Willie ang magpapagsak sa kanyang
sarili.” Ito na nga, nagkakatotoo na. Nangyari na!
Mayroon pa akong panghuling tanong.
Ngayong wala na ang Wowowee, paano na ang
mga namatay sa Ultra Stampede? Mabibigyan pa kaya sila ng hustisya?
Abangan ang susunod na video ni Even Demata sa YouTube.