Buenas dias amigos!
Umikot ang paningin natin kahapon dahil sa daming tumatawag at nagte-text sa atin para sumali sa Pinoy
Hot Line Riders Club!
Naisip ko tuloy, ganito na ba kasikat ang PHLRC ngayon?
Klap, klap, klap!
Sa lahat ng mga sumasali, para maging ganap kayong miyembro sa PHLRC, pumunta po kayo sa Quezon City Circle
sa Quezon City sa Linggo (Marso 21, 2010) sa oras na alas-3:00 ng hapon.
Magdala kayo ng 1 piraso na 2x2 ID photo at xerox copy ng inyong driver’s license at rehistro ng motorsiklo.
Muli kong ipapaalala sa lahat ng ating mga kasama maging sa mga sumasali pa lang, ang PHLRC at PHLMCO po
ay magkakaroon ng first outing sa Nasugbu, Batangas sa Abril 1 (Huwebes), 2010.
Lahat ng mga sasama ay magkita-kita sa Baywalk sa Maynila sa oras na alas-5:00 ng madaling araw. American
time po ‘yan. Kailangan ay kanya-kanyang motorsiklo.
Ang iba pang detalye ay malalaman sa Linggo kasabay ng meeting-seminar ng PHLRC sa Kyusi.
Sa ibang dako, sa araw na ito, magkakaroon ng General Assembly ang APOI Partylist (Akbay Pinoy OFW Inc.)
sa Panay Avenue corner Sgt. Esguerra St., Quezon City ganap na alas-3:00 ng hapon.
Ang APOI Partylist ay pinamumunuan ni Mr. Melchor Gonzales.
Inaaasahang dadalo sa naturang general assembly ang iba’t ibang organisasyon na nagmumula sa Metro
Manila at iba’t ibang lalawigan sa bansa. Dadalo rin sa naturang assembly si Mr. Jojo Demetilla, ang batikang komentarista
sa himpilang DZRJ.
Good luck, Pareng Jojo!
Samantala, napakahalaga ng paksa natin ngayon.
Tagubilin sa mga Lider at mga Riders
Ang motorsiklo ay hindi gaya ng ibang recreational na mga sasakyan. Gaya ng bangka, Jet skis, at iba pa.
Tandaan, na ang paggamit ng motor ay laging nasa panganib dahil hindi ito agad nakikita sa daan. Kinakailangang alerto at
ismarte ang nagmamaneho ng motorsiklo ng higit kaysa nagmamaneho ng ibang sasakyan.
Maihahalintulad ito sa helicopter na kinakailangan ng pareho o constant input at constant response. Bilang
nagmamaneho ng motor, kailangang mabilis kang rumesponde sa iyong paligid. Mula sa pagmamaneho hanggang sa igarahe mo ito,
ikaw ay gumagawa laban sa maraming batas. Ito ay iyong laws of gravity at laws of physics. Tandaan, hindi birong magmaneho
ng motorsiklo.
‘Di sapat na marunong lang tayong magmaneho na inaakala nating ligtas tayo sa lahat ng pagkakataon.
Tandaan, dumarating ang aksidente ng hindi inaasahan. Kadalasan, halos 50 porsiyento ng aksidente sa kalsada o daraanan ay
laging sangkot ang motorsiklo. Dapat nating isa-isip bilang motorista ang pag-iingat dahil sa bawat pagmamaneho’y nakataya
ang buhay nating motorcycle riders.
Narito ang ilang paalalang pangkaligtasan na dapat sundin at taglayin ng isang Rider:
Laging magsuot ng helmet na may face shield o protective eyewear- Ang pagsusuot ng helmet ng siyang pinakamabisang
gawin para proteksiyon laban sa malalang head injuries. Ang isang motorcycle rider na hindi nagsusuot ng helmet ay limang
beses na malapit sa kritikal na pinsala sa ulo kapag nagkaroon ng aksidente.
Magsuot ng tamang rider gear- Siguraduhing laging nakasuot ng protective gear at kasuotan na magpapababa
ng dulot ng pinsala o injuries kapag naaksidente. Ang pagsususot ng leather clothing, boot na may nonskid soles, at gloves
ay makakapagbigay ng proteksiyon sa iyong katawan sa mga malalang pinsala. Isama na rin ang paglalagay pa ng reflective tapes
sa iyong kasuotan para maging madali sa ibang maotorista na agad kang makita. Sa gayun, maiiwasan ang banggaan.
Sundin ang batas trapiko. Sundin ang speed limit. Kapag mabilis kang magpatakbo, matagal na sandali na bago
mo maihinto ito kapag nagpreno. Maging aware sa traffic laws and rules sa kalsada.
(MAY KARUGTONG)