Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
BUENAS dias, amigos!
Ika-26 ng Hunyo ngayon, taon 2010.
Bukas na po ang Monthly Meeting ng pinagsamang samahang Pinoy Hot Line Civic Organization at Pinoy Hot Line Riders
Club sa Quezon City Memorial Circle alas-2:00 ng hapon.
Opo, alas-2:00
ng hapon na po ang eksaktong oras ng ating meeting at hindi na alas-3:00.
Ito
ay matapos na pumayag na ang mabait na kapitana ng Brgy. A. Samson diyan sa Quezon City na si Elenita De Jesus sa oras na
alas-5:00 ng hapon.
Ang Quezon City Circle ay meeting place lang natin
bukas, pero lilipat ang ating grupo sa basketball court ng Brgy. A. Samson.
Naalala n’yo po ba ang last Monthly Meeting ng PHLCO/RC nitong nakalipas na Mayo? Doon po ulit tayo magmi-meeting.
Ang proyekto ng PHLCO/RC ay pag-uusapan din natin bukas para maitakda ang eksaktong
iskedyul nito.
Kasabay ng ating monthly meeting, lahat ng mga kasapi
sa PHLRC, maging ‘yung bagong aplikante ay pi-fill-up sa bago nating registration form na eksklusibo lamang sa PHLRC
at ipapaliwanag din natin ang plantsado nang rules and regulations ng ating samahan.
Bukod pa riyan, tatalakayin din natin ang 4th Outing o Road Trip (out of town) sa darating na Hulyo ng taong ito.
Marami pa tayong tatalakayin sa Linggo lalong-lalo na sa Pinoy Hot Line Civic Organization,
kaya’t umaasa ang inyong lingkod na makiisa ang lahat ng mga kasapi sa ating mga samahan lalong-lalo na sa ating mga
opisyales, at sa mga opisyales na manunumpa bukas.
Napakahalagang bagay
po kapag nakapanumpa na ang isang opisyales, sapagka’t kikilalanin ka nang isang legal at lehitimong opisyales ng samahan.
God bless sa lahat ng opisyales ng PHLRC!
Nawa’y kayo ang magiging susi para lalo pang lumago at mapalawak ang PHLRC para marami tayong
matutulungan, ‘di lang sa ating samahan, kundi para na rin sa kaligtasan ng ating mga kababayang motorcycle riders na
araw-araw bumibiyahe sa iba’t ibang lansangan sa buong bansa.
Ang
isusuot pala ng mga PHLRC officers sa Oath Taking ay uniporme ng ating samahan. Bawal naka-short pants at nakatsinelas.
Many thanks nga pala kay Ka. Josie Malupa.
Samantala, narito ang mga opisyales ng PHLRC na manunumpa bukas sa harapan ni Brgy. Captain Elenita De Jesus.
PHLRC OFFICERS 2010
BOARD OF TRUSTEES
1. Even Demata (Founder /
Chairman)
2. Rico Rocero
3. Ruben Cabrillas, Jr.
4.
Rolly Malupa
5. Renito Arpilleda
Adviser: Louie Salva
President: Freddie Modesto
Vice-President: Gerry Lanuza
Treasurer: Dan Alfred Madriaga
Assn’t Treasurer: Karen
Rocero
Secretary: Mhae Paycana
Assn’t Secretary: Lawrence Enriquez
Internal
Secretary: Nancy Malindog
PIO: Marlou Dahunog
PRO: Ronnie Terrado
Auditor: Ernie Padigdig
Assn’t Auditor: Eustaquio Tabag
Sgt.
at Arms:
(1). Dhionel Pilan
(2).
Ronald Mendez
(3). Dioscoro Policarpio
(4). Alejandro Parilla, Jr.