Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC habang sa PHLCO
naman ay PIL-CO.
***
GOOD
day, Philippines!
4 days na lang at 5th Outing na ng Pinoy Hot Line Civic
Organization & Riders Club (PHLCO/RC) na gaganapin sa Matabungkay Beach Resort sa Lian, Batangas. Yahooo!!!
***
Pinutakti tayo ng text messages kahapon
mula sa ating mga kapatid sa PHLCO/RC kaugnay ng kaarawan ng inyong lingkod.
Napangiti
pa nga tayo nang sabihin ni Ka. Jojo Parilla kung saan daw ba ang Plan A ng birthday celebration natin kahapon dahil sa pagkakaalam
daw niya, Matabungkay ang Plan B! Ha ha ha!
Na-touch naman tayo sa mensahe nina
Ka. Karen Rocero at Ka. Ronnie Terrado kung saan sinabi nila na nagpapasalamat sila sa akin sa pagbuo ko ng PHLCO/RC. Dahil
sa samahang ito, nagkaroon sila ng mas maraming kaibigan. Galing! Thank you.
Natawa
naman ang inyong lingkod habang binabasa naman natin ang text ni Ka. Rico Rocero. Wish daw niya na marami pang birthday na
darating sa akin sabay bawi niya na magastos daw! Ha ha ha!
Uulitin ko,
maraming-maraming salamat sa lahat ng nag-greet sa akin kahapon kaugnay ng aking kaarawan.
Hindi ko na babanggitin sa aking kolum kung sinu-sino po kayo dahil baka gahulin na naman tayo sa ating espasyo.
He he he.
Kabilang sa mga wish ng inyong lingkod ay ang patuloy
na pamamayagpag ng pahayagang TORO sa market o sa sirkulasyon ng mga diaryo sa Pilipinas, patuloy ang magandang ugnayan o
samahan sa bawat kapatid sa PHLCO/RC para lalo pang mag-ibayo ang grupong ito, manatiling malusog ang aking pamilya, at lalo
pang mapagbuti ang samahan ng mga kaibigan at mga kamag-anak, higit sa lahat... sampu ng aking mga kasama rito sa TORO at
sa iba’t ibang pang raket sa labas gaya ng Diaryo ng Bayan ni Pareng Ardie Avilles, ang diaryo na CMT Update Monitoring
Team ni Pareng Rene Clemente, mga nagpapa-design ng label sa Quiapo na sina KIFLI, SAM, HANIE, SARIP, mga regular na nagpapaayos
ng computer, at marami pang iba, at sa mga kasamahan ko sa PHLCO/RC, sa aking pamilya, mga kamag-anak, nawa’y patnubayan
tayo lagi ng Poong Maykapal.
Pero sa totoo lang, nasa bukabularyo
na ni Ka. Even Demata na kutsilyo lang ang ihahanda tuwing sumasapit ang kanyang kaarawan! Ha ha ha! Bawi na lang tayo sa
Matabungkay Outing! Haist!
Samantala, sinong mag-aakala na aksidente
kaming magkita ni Ka. Rodolfo “Sandy” Lozada, kahapon.
Kung
inyo pong matatandaan, si Ka. Sandy ay halos isang linggo nating binira sa kolum na ito dahil sa hindi pagsasauli ng cellphone
ni Ka. Kimberlyn Abada na kanyang hiniram nitong nakaraang taon.
Napakamot na
lang tayo sa ulo nang sabihin niyang ‘di pala niya nababasa ang mga banat niya! Ha ha ha!
Gayunman, personal naman niyang inabot ang P500 bilang bayad niya sa cellphone ni Ka. Kim kasabay
ang pagsasabing nanghihingi siya ng paumanhin.
Nagtawanan na lang kami ni Ka. Sandy
nang sabihin ko sa kanya na hindi ko siya tatantanan sa pagbanat ‘pag ‘di niya isauli o bayaran ang cellphone
ni Ka. Kim.
Pinaliwanag ko naman kay Ka. Sandy ang aking panig bilang
diyarista. Hangga’t may nagrereklamo at patuloy na nagrereklamo, tuloy pa rin ang banat ng inyong lingkod sa taong sangkot
sa kaso, bagay na naiintindihan naman ng dati nating kasama sa Pinoy Hot Line Clan.
Ang siste po kasi, galing po kami ni Kumander sa isang kaibigan sa Brookside sa Cainta. Pauwi na sana kami nang mapuna
ni Misis si Ka. Sandy na parang may hinahanap habang naglalakad. Opo, personal na kilala ng aking may-bahay si Ka. Sandy sapagka’t
minsan na rin itong nakapunta sa bahay.
Nang sabihin ni Kumander na nakita niya
si Ka. Sandy, tinawag ko ito, at kaagad kong kinausap.
Napuna natin
na medyo nangangayat ngayon si Ka. Sandy at parang tumatanda ito. Bakit kaya?
Sinabi
niya na sobrang busy siya ngayon sa trabaho at halos ‘di nga raw siya nakakagala-gala.
Hindi pa rin nawawala sa mukha ni Ka. Sandy ang pagiging palangiti at masayahing kausap.
Marami kaming napag-usapan na magaganda, gaya ng muling pagkakaisa kung pagbibigyan pa ng pagkakataon.
Sa ibang dako, nais pasasalamatan ni PHLRC Adviser Edgar Maglalang ang mga traffic enforcers
sa Binangonan, Rizal sa pamumuno ng kanilang team leader na si Cris Batoon, kasama ang kanyang superior sa riders na sina
Noel Roan, Edgar Cabase, Noel Luz, Ramon Valle, at si Mark Ariola. Sila raw po ang kasama ni Ka. Edgar sa operasyon.
Kuwentuhan ulit tayo bukas.