BUENAS dias amigos!
Ika-13 ng Abril ngayon taon 2010.
Kamakalawa ng hapon, tagumpay ang isinagawang pagpupulong ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) sa
Quezon City Memorial Circle ganap na alas-3:00 ng hapon.
Maraming-maraming salamat sa lahat ng dumalo. Klap, klap, klap!
Napagkasunduan ng grupo na magkaroon na ng uniporme sa Abril 25, 2010 ang lahat ng miyembro ng PHLRC.
Sa darating na Linggo (Abril 18), kailangang plantsado ang usaping ito.
Speaking of Abril 18, magkakaroon po ulit ng meeting ang PHLRC sa oras na alas-3:00 ng hapon sa nasabi pa
ring lugar.
May mga bagay pa rin na dapat na plantsahin bago ang ikalawang outing ng PHLCO/RC sa darating na Mayo 2 (Linggo)
sa Pagsanjan Falls sa Laguna. Yeheeey!
Opo, sa Pagsanjan Falls na po ang 2nd outing ng ating samahan at hindi na sa Bataan. Haist!
Aprubado na po iyan ng mga kasama natin kaya’t kailangan na gapangin mo na Ka. Glenn Villanueva ang
Pagsanjan, he he he!
Balik tayo sa meeting ng PHLRC last Sunday. Mayroon pala tayong bagong member na si Ka. Roger Pacyao. Welcome
sa pinakamasaya nating samahan! Klap, klap, klap!
Pinakabagong samahan nguni’t parang matagal nang magkakaibigan.
Tuwing umuuwi ang inyong lingkod tuwing pagkatapos ng meeting, nalulungkot po tayo at nagtatanong, "Nakaka-misss
naman ang grupo na ito." Ganyan talaga ‘pag maganda ang samahan.
Samantala, pagkatapos ng ating meeting, tumulak ang ating grupo sa tahanan ni Ka. Dioscoro "Boyet" Policarpio
sa Brgy. Pinagkaisahan, Makati City. Sa wakas, natikman na rin namin ang papaitan ni Ka. Boyet! Saraaaap! He he he!
Dahil sa sobrang sarap ng papaitan ni Ka. Boyet, kinabukasan na ng tanghali nakauwi sa kanilang bahay ang
ating marshall na si Ka. Nelson Barnedo aka Overtaker. Paano kasi, kahit eroplano walang patawad, umovertake pa rin! Ha ha
ha!
Labis pong nag-alala ang misis ni Ka. Nelson lalong-lalo na ang buong miyembro ng PHLCO/RC. Bagama’t
sobrang busy tayo sa work kahapon, nakatuon ang isip natin sa kalagayan ng ating kasama. Nalulungkot po tayo kung ano na ba
talaga ang nangyari sa kanya. Halos ‘di makapagpahinga ang ating cellphone dahil sa sandamakmak na text messages ng
ating mga kasama sa PHLCO/RC na tinatanong nila kung nasaan at kumusta na si Ka. Nelson. Labis din silang nalulungkot. Hindi
namin alam kung ano ang dapat naming gawin. Ipinalangin na lamang namin na wala sanang masamang nangyari sa kanya.
Magiting naman nating pinakalma ang kalooban ng misis ni Ka. Nelson.
Alas dose ng tanghali kahapon, tinawagan natin ang misis ni Ka. Nelson. Lumuwag ang ating kalooban nang malaman
natin na nakauwi na ang ating marshall at nakausap din natin ito.
Kuwento ni Overtaker, bigla raw tumawid ‘yung kariton sa EDSA kung kaya’t todo-preno ang kanyang
ginawa subali’t napuruhan niya ito.
Nagasgasan daw ng konti ang kanyang motor at masuwerte namang wala siyang natamong galos sa katawan. Biglang
naputol ang aming linya dahil naubusan din ako ng load! Ha ha ha!
Ka. Nelson, sa susunod, ‘wag mo nang gawin patay-sindi ang ilaw ng iyong motor! Ha ha ha!
Sa pinakahuli, maraming-maraming salamat at walang masamang nangyari sa ating kasama.
Mismo sa sarili ko, doon ko nalaman kung gaano kamahal ng bawat isa ng ating mga kasama sa PHLRC at PHLCO.
Samantala, lubos pong nagpapasalamat ang inyong lingkod kay Ka. Boyet maging sa kanyang may bahay dahil sa
mainit na pagtanggap nila sa ating mga kasama. ‘Di ko talaga makakalimutan ang papaitan, tulo ang pawis ko doon, ah!
Ha ha ha!
Sa Linggo, kay PHLRC Pres. Freddie Modesto naman tayo tutungo. Haist!
Samantala, narito ang attendance natin nitong huling meeting. Pero bago ko makakalimutan, maraming salamat
din sa pansit ni Ka. Bong Andrade na binahagi niya sa ating mga kasama.
Bukas na rin ‘yung PHLRC MEMBER’S PROFILE natin dahil gahol na po tayo sa ating espasyo.
PHLRC MEETING
APRIL 12, 2010
ATTENDANCE
1. Imelda Paycana
2. Eustaquio Tabag Jr.
3. Nelson Barnedo
4. Alberto Pasilan
5. Dhionel Pilan
6. Glenn Villanueva
7. Nelson Tumala
8. Ronald Mendez
9. Gerry Lanuza
10. Trixie Bellen
11. Ronnie Terrado
12. Rico Rocero
13. Rolly Malupa
14. Ruben Cabrillas
15. Bong Andrade
16. Roger Pacyao
17. Renito Arpilleda
18. Dan Alfred Madriaga
19. Joseph Leuterio
20. Rowena Tumala
21. Karen Rocero
22. Monica Rocero
23. Nancy Malindog
24. Dioscoro Policarpio
25. Josie Malupa
26. Amy Cabrillas
27. Freddie Modesto
28. Marcel Shen
29. Even Demata
30. Flor Dador
Adios, amigos!