Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Ang sakit ng buong katawan kooooooo!
Paggising pa
lamang natin kahapon, halos ‘di ko na maigalaw ang aking katawan. Hu hu hu! Epekto siguro ito ng jogging noong
Linggo! Maka-jogging nga ulit! He he he!
Ibig sabihin lang nito,
beri epektib ‘yung pag-eehersisyo natin. Galing!
Nag-text sa atin
kahapon ang internal secretary ng PHLRC na si Ka. Nancy M., kung saan ipinagbigay-alam n’ya sa atin ang text naman ni
Ka. Michael Escol sa kanya kaugnay ng pagpapagawa ng t-shirt na kulay pula ng PHLRC na gagamitin tuwing may gagawing aktibidad
ang samahan. Ibig sabihin, malapit nang magkakaroon ng t-shirt ang bawat kasapi ng ating samahan.
Samantala, sa darating na Monthly Meeting ng buwang ito, isa sa mga tututukan ng ating grupo ang
pagkakaroon na ng plaka ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) sa darating na Setyembre. Maganda ito sapagka’t magagamit
na natin ang nasabing plaka sa ika-5 na outing ng PHLCO/RC sa Oktobre 2-3 ng taong kasalukuyan.
Speaking of outing nga pala, inoobliga natin na kailangang 100% ang sasama sa outing na ito para maramdaman natin ang
kasiyahan at lalo pang magkakakilala ang bawat isa sa atin lalo pa’t patuloy na nadagdagan ang bilang ng mga sumasali
sa ating grupo. Klap, klap, klap!
Ngayon pa lang, pinag-aaralan na
ng mga opisyales ng PHLRC ang biyahe na ito.
Batay kay Ka. Ronnie Terrado
at Ka. Renito Arpilleda, kailangang hatiin sa dalawang grupo ang biyahe na ito para ‘di makapurwesyo sa ibang motorista
sa mga daan na babagtasin ng PHLRC riders patungong Lian, Batangas.
No more space na naman tayo. Kuwentuhan ulit tayo tomorrow.