Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
INULAN ng text messages ang Pinoy
Hot Line kahapon kaugnay ng nilathala natin hinggil sa isang Police
TODA diyan sa Luzon, Pasong Tamo, Quezon City.
Tinawag nating police TODA ang Luzon
TODA, isang asosasyon ng mga tricycle drivers, dahil isang police-QC ang presidente ng nasabing samahan.
Batay sa natanggap nating text, ilang sa kanila ay nagpakilalang mga tricycle driver ng Luzon
TODA habang ang iba naman ay concerned citizen lang o mga pasahero at residente sa nasabing lugar.
Bukod diyan, may nag-text din sa Pinoy Hot Line kahapon kung saan nagpakilala siyang Ver Udarbe,
at presidente umano siya ng Luzon TODA, diyan sa Pasong Tamo, Lungsod ng Quezon.
Bago natin bigyan-daan ang mga mensahe ng mga nagsumbong na concerned citizen, basahin muna natin ang paliwanag ni
Mr. Ver Udarbe hinggil sa naisulat natin kahapon.
Narito po ang
kabuuan ng kanyang text messages.
“Good am, Sr. Ako po ang pres ng Luzon TODA. Madalas po akong nagbabasa sa inyong diaryo. Nagulat po ako ngayon
dahil ‘yung Luzon TODA ang nirereklamo sa inyong kolum na Pinoy Hot Line. Gusto ko lang pong sabihin na ‘di po
totoo lahat ang sumbong sa inyo. ‘Yung mga patayan ay nangyari noong dating mga namumuno at pati ako planong patayin
para mabalik ang kanilang kalokohan. Para maging balanse ang report, inaanyayahan ko po kayo dito sa aming opisina dito lang
sa tabi ng barangay extension ng Brgy. Pasong Tamo para malaman n’yo po ang tunay na katotohanan. Maraming salamat.”
ang una niyang text.
Tinanong
po ng Pinoy Hot Line kung ano ang kanyang pangalan at binigyan din natin siya ng pagkakataon na magpahayag ng kanyang saloobin
para malaman ng sambayanang Pilipino partikular na sa lahat ng miyembro ng Luzon TODA ang kanyang panig para maging patas
ang ating ginagawang pag-uulat. Narito ang kanyang mensahe.
“Ver Udarde po. Isa po akong pulis at deacon po ako sa aming church. Kaya ko po pinasok
ang TODA dahil sa sobrang gulo at kaapihang nangyari sa mga maraming members. Ngayon, sa tulong ng aking mga opisyales, nabuwag
namin ang mga dating magugulong opisyales na nagsamantala sa TODA. Sa pagdawit naman kay Kap. Marivic Co-Pilar, wala din pong
katotohanan yan dahil nag-uusap po kami para sa kaayusan ng barangay. Sana manaig po ang katotohanan. Umaasa po ako na sana
magkausap po tayo para malaman n’yo ang katotohanan.”
Hindi na po natin ilathala ang kanyang cellphone number para na rin sa privacy ni Mr. Udarde.
At dahil kapos na naman tayo sa ating espasyo, sa Lunes n’yo na matutunghayan ang iba pang
text complain laban po sa Luzon TODA. Katuwang ang Pinoy Hot Line sa pag-iimbestiga hinggil sa pinakahuling kaganapan diyan
sa Luzon TODA para malaman ang tunay na katotohanan. Katunayan, may mga tao na tayong nagmamanman sa nasabing lugar.
Ang kolum na ito ay mababasa rin sa www.even.tripod.com