Ang tamang pagbigkas ng
PHLRC ay PIL-RC.
***
Good
day, Philippines!
Mabuhay ang mga motorcycle riders sa bansa!
Ika-22 ng Hulyo ngayon, taong 2010.
Napadaan tayo kahapon sa bahay ni Ka. Michael Escol sa R. Papa St., sa
Caloocan City.
Sa darating na Hulyo 27, araw na Martes, ay inaanyayahan ni Ka. Michael ang lahat ng kasapi sa Pinoy Hot Line Riders
Club (PHLRC) na magtungo sa kanilang bahay sa oras na alas-7:00 ng gabi.
Batid nating may pasok ang ating mga kasama, magkita-kita
na lang sa LRT- R. Papa Station, pagkagaling sa trabaho.
Naikuwento nga pala sa atin ni Ka. Mike ang nangyari sa kanyang ama.
Pumanaw ito noong Hulyo
27, 2009 dahil sa aksidente sa Surigao.
Ayon kay Mike, lasing na lasing umano ang kanyang ama nang magneho ito ng motorsiklo.
Ang siste, biglang inapply
ng kanyang ama ang front brake kaya ito tumilapon sa unahan bago nadaganan ng motorsiko na kanyang ginamit, na hiniram sa
kaibigan nito. Ito ang dahilan ng maagang pagpanaw ng kanyang ama.
Condolence, Ka. Mike.
Kaya’t paalala sa lahat ng mga kababayan nating nagmamaneho
ng motorsiklo, iwasan po natin sanang magmaneho na nakainom ng alak.
Kahit sabihin pa nating konti lang ang inyong nainom, mas
malaki pa rin ang pagkakaiba kaysa sa nagmamaneho nang ‘di nakatoma.
Dito sa Metro Manila, araw-araw ay may napapabalita na namatay
o 50-50 ang lagay dahil sa aksidente ng pagmamaneho ng motor.
Ayon sa MMDA, karamihan sa mga nadisgrasyang driver ay amoy alak. Ibig
sabihin, nakainom.
Kung ‘di n’yo mang maiwasang unimon, mas maigeng ‘wag nang magmaneho.
Ang paalala na ito ay hindi para lang sa
inyong sarili kundi maging sa inyong mga mahal sa buhay, na kung sakaling kayo ay mamatay, tiyak kawawa ang inyong mauulila.
Isa pang paalala, lagi
ring magsuot ng helmet. Malayo o malapit man ang biyahe, ugaliing magsuot ng helmet.
Ang aksidente ay walang sinumang nakakabatid, kusa lang itong
dumarating. Kaya, bago mangyari ito, kailangang nakasisiguro na kayo sa kaligtasan ninyo.
Ang paksang ito ay isa lamang sa mga safety
measures sa pagmamaneho ng motorsiklo.
Gayunman, ang aksidente ay maiiwasan kung ang pagmamaneho ay dahan-dahan.
Basta, ingat lang po tayo
sa pagmamaneho.
Samantala, bagama’t wala munang long trip ang PHLRC sa buwan na ito, hitik naman sa iskedyul ang samahan.
JULY 25
“Takbo PHLRC” at Monthly Meeting
JULY 27
Michael Escol House
JULY 31
Birthday ni PHLRC Vice President Gerry Lanuza
August 1
“Takbo PHLRC”
August 6
Birthday ni PHLRC Adviser Louisito Salva
August 8
“Takbo PHLRC” at Birthday ng anak ni PHLRC Sgt. at Arms
Ronald Mendez
August
15
“Takbo
PHLRC”
August
22
“Takbo
PHLRC”
August
24
Birthday
ni Board of Trustee Ruben Cabrillas, Jr.
August 29
“Takbo PHLRC” at Monthly Meeting
August 30
Birthday ni Board of Trustee Rico Rocero
Sa ibang dako, mayroon tayong good news!
Good news - Mayroon nang motor si Ka. Dan Alfred Madriaga.
Bad news - Nahatak umano
ang motor ni Ka. Gerry Lanuza