Ang tamang pagbigkas
ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Good
day, Philippines!
Mabuhay ang mga motorcycle riders sa bansa!
Ika-21 ng Hulyo ngayon, taong 2010.
Isang sunog ang naganap kahapon sa Monte De Piedad St., at Seattle St., sa Brgy. Kaunlaran, Quezon City.
Personal nating nasaksihan ang nasabing sunog kung saan nilamon ng apoy ang ilang
kabahayan, na ayon sa ating nakapanayam, mga squatters na ang nakatira roon.
Wala pang nagdatingang bumbero sapagka’t bago pa lang nag-umpisa ang sunog na naganap dakong alas 2:30 kahapon,
pero nang bumiyahe na tayo patungong Maynila, nakasalubong natin ang mga nag-iingay na bumbero patungo sa erya.
Tinanong natin ang ilang residente roon pero walang sinuman ang makapagsabi sa kanila
kung paano nagsimula ang apoy.
Samantala, tinatawagan natin ng pansin
itong hepe ng LTO-Caloocan na si Ligaya F. Dela Cuesta na imbestigahan itong Mark, isang evaluator, na umano’y saksakan
ng tamad.
Kahapon, patuloy pa rin tayong nakakatanggap ng mga reklamo
laban sa Mark na ito. Totoo raw na patayo-tayo lang at kain nang kain itong Mark sa oras ng trabaho.
Ang nangyayari ay lalong humaba ang pila o dumadaming tao na kumukuha ng lisensya sa LTO-Caloocan
ang naiinip sa kahihintay dahil sa kapalpakan nitong Mark.
Sa kasalukuyan,
may pinakikilos na tayong impormante sa loob ng LTO-Caloocan para matukoy ang tunay na pagkakilanlan nitong Mark at para na
rin makunan ng video para mailagay sa Youtube o kaya’y sa Facebook! He he he he!
At para sa iyo, Mark... bilang na ang araw mo, ‘yan ay kung ‘di ka magbabago!
Samantala, may nasagap tayong balita. Si Willie Revillame diumano ay papalitan na ni Kris Aquino.
Hindi lang basta papalitan ha, kundi pa ‘yung show niyang Wowowee ay papalitan
na rin ng ibang programa.
Ano pa ang babalikan ni Willie sa Hulyo 31?
May nakapagtimbre rin sa atin na si Tetay diumano ang utak sa pagkatsugi kay Willie
sa Dos.
Ang daming tsismis! Ang hirap maging artista! Ha ha ha!