Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC habang sa PHLCO
naman ay PIL-CO.
***
POSIBLENG
‘di matuloy ang pagbabalik ni Willie Revillame sa telebisyon sa pamamagitan ng TV5 sa darating na Oktubre 23 ng taong
ito.
Humiling kasi ang Kapamilya Network sa Korte ng TRO para
‘di matuloy ang Willing-Willie ni Willie sa Kapatid Network sa naturang petsa.
Ito ay may kaugnayan pa rin sa kontrata ng TV host sa ABS-CBN na matatapos sa Setyembre 2011.
Sa pangyayaring ito, posibleng isang malakas na “bwa ha ha ha ha!” ang maririnig
natin kay Joey De Leon, he he he!
***
Biglang umeksena sa media ang grupong Grabella sa pagsasayaw ng mga flight attendant ng Cebu Pacific na patok na
patok ngayon sa Youtube.
Hindi kaya sumakay lang ang nasabing
grupo sa kasikatan ngayon ng mga magagandang FA ng Cebu Pacific?
Kung
seryoso ang Grabella sa pagkonsidera sa kapakanan ng mga kababaihan, bakit hindi nila inililigtas ang mga babaeng nagsasayaw
ng hubo’t hubad sa mga night clubs?
Sariling opinyon ko lang naman, wala
akong nakikitang mali sa hakbang na ito ng Cebu Pacific.
***
naasahang magiging maganda ang ating panahon ngayon dito sa Metro Maynila maging sa bahagi ng
Luzon, base sa ating nakita sa Satellite Surface Data.
Ang Visayas
at Mindanao naman ay makakaranas ng pagkulog at pagkidlat na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan bunsod ng tinatawag na Intertropical
Convergence Zone (ITCZ).
***
Balitang-balita
na sasabak muli ang sex guru na si Asia Agcaoili sa nude modeling kahit may anak na siya. Baka kailangan lang niya siguro
ng pambili ng bigas at gatas! Ngeek!
***
SA darating na Linggo, Oktubre 10, ay magkakaroon ng meeting ang lahat ng opisyales ng PHLRC kabilang na ang mga
Board of Trustee.
Ang naturang meeting ay gaganapin sa bahay ni Ka. Edgar
Maglalang sa Binangonan, Rizal.
Sabay-sabay na tutulak ang grupo patungo
sa Binangonan mula Quezon City Circle pagkatapos ng aktibidad ng samahan na may temang “TAKBO PHLRC”.
Tinatawagan din ng pansin ang lahat ng kasapi sa PHLRC na makiisa sa aktibidad na ito lalo na
sa kaarawan ni Ka. Edgar Maglalang.
Ani Ka. Edgar, sa kanilang bahay na
manananghalian ang ating mga kapatid sa samahan.
Kasama sa pag-uusapan
sa meeting ang Ika-6 na Outing ng PHLRC, na itinakda sa Oktubre 30, Sabado, sa lugar ni Ka. Eustaquio Tabag o kaya’y
kina Ka. Vladdy Lito Lati sa Pangasinan. Wala pa itong katiyakan.
Nag-text
sa atin kahapon si Ka. Alberto Sanico. Narito po ang kanyang mensahe.
“Founder, nais ko pong magpasalamat sa lahat ng PHLRC riders na nag-ambagan para maayos
po ang nasira na ilaw sa motor ko sa naganap na outing natin. Ngayon po, okey na ang motor ko, bago na ang ilaw. God bless
to all PHLRC riders! Salamat po ulit.”
–Ka.
Alberto Sanico
Walang anuman po, Ka. Alberto.
Samantala, sa lahat ng gustong magpa-member sa PHLRC, magtungo lang kayo sa Quezon City Circle
sa darating na Linggo sa oras na alas-9:00 ng umaga.
Dalhin ang xerox copy ng inyong motorsiklo
gayundin ang inyong driver’s license.