PANAWAGAN
Sa lahat ng opisyales at miyembro ng Pinoy Hot Line Civic Organization at Pinoy Hot Line Riders
Club, tayo ay magkakaroon ng buwanang pagpupulong sa Marso 28 (Linggo), 2010 sa oras na alas-3:00 ng hapon. Pinal na tatalakayin
ang ating outing sa Nasugbu, Batangas sa darating na Abril 1, 2010. Marami pang mahahalagang paksa ang tatalakayin. Attendance
is a must!
***
Buenas dias amigos!
Ika-27 ng Marso ngayon at araw na Sabado.
Bukas, araw na Linggo, magkakaroon ng monthly meeting ang Pinoy Hot Line Civic Organization at Riders Club.
Maraming mahahalagang paksa ang pag-uusapan kung kaya’t kailangan na present lahat ang mga opisyales at mga miyembro
ng ating samahan. At siyempre, mayroon tayong surprise na ibibigay natin sa ating mga kasama sa grupo.
Kita-kitas mga kapatid sa PHLCO at PHLRC.
Samantala, may natanggap tayong reklamo laban sa isang traffic enforcer na nakilala sa pangalang R.A Hojas
ng MAPSA diyan sa lungsod ng Makati.
Ang MAPSA ay tinatawag na Yellow Boys ng mga motorista dahil sa suot nilang uniporme na kulay dilaw.
Ayon sa reklamo, kahit hindi raw nakasuot ng uniporme itong si Hojas ay walang habas daw ito kung manghuli.
Gago pala ang traffic enforce na ito! Dapat tigbakin na iyan sa puwesto!
Hindi naman binanggit ng nagrereklamo kung nangotong itong si Hojas.
Manmanan...
Samantala, nag-report sa atin kahapon si Ka. Rey Guinto, sargeant at arms ng PHLCO, kung saan ibinalita niya
sa atin ang pagkamatay dahil sa pagkadurog ng ulo ng 8-anyos na si Timothy Saragoza ng Road 3, Brgy. Malanday, Valenzuela
City matapos araruhin ng pampasaherong dyip na may plate number TXC 121 na minaneho ni Pedro Saan, 40-anyos, residente ng
Pangako St., Bagong Barrio, Caloocan City.
Ayon sa ulat ni Ka. Rey, dead on the spot ang biktima dahil sa pagkadurog ng ulo nito.
Kasalukuyan umanong nakasakay gamit ang kanyang bisikleta ang biktima nang bigla na lamang banggain ng naturang
dyip.
Dahil sa tindi ng galit, binugbog ng taumbayan ang suspek na si Saan.
Nakakulong ngayon ang suspek sa Valenzuela City Police Traffic Division at kinasuhan na rin ito ng reckless
imprudence resulting homicide.
Sa ibang dako, tiyak na lalo pang uunlad ang lungsod ng San Juan sapagka’t itutuloy ng kumandidatong
si Onil Mendoza ang mga nasimulang proyekto ng kanyang ama na Mr. Mendoza. Sa mga taga-San Juan City, isama n’yo si
Onil Mendoza sa inyong balota sa 2010 elections.
Sa San Juan City pa rin, personal nating nakapanayam ang ilang residente ng San Perfecto kaugnay ng paghanga
nila sa kanilang barangay kagawad na si Marissa Del Rosario.
Anila, marami nang nagawang proyekto si Kag. Del Rosario sa kanilang lugar.
Bukod sa masipag, taglay rin ni Kag. Marissa Del Rosario ang pagiging matulungin at may likas na talino para
makagawa ng iba’t ibang proyekto sa Brgy. San Perfecto.
Hiling ng mga residente roon, sana maging barangay captain si Kag. Del Rosario. Klap, klap, klap!
Samantala, binabati natin ang ating pinsan na si Oliver "Obeng" Demata diyan sa Ramcar sa Sapang Palay, Bulacan
gayundin si Rommel Edon na nagtatraho rin sa Ramcar.
Good day po sa inyong lahat diyan.
Beng, dito si Junjun sa office namin.
Isang araw, makakapasyal din kami diyan sa Bulacan. Busy pa kasi sa shooting! He he he!
No more space na po tayo, at see you all again on Monday!
Sa mga kasama natin sa PHLCO at PHLRC, kita-kits po tayong lahat bukas!
Adios amigos!
Ang Pinoy Hot Line column ay araw-araw nang mababasa sa www.even.tripod.com