Buenas dias, amigos!
Ika-29 ng Abril ngayon taon 2010.
Good news!
Walang pasok sa Lunes!
Idineklara na kasi ni Pangulong Arroyo ang araw na Lunes bilang Labor Day.
Samakatuwid, mahaba-haba ang kasiyahan ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) sa Linggo. Hindi na matataranta
ang ilan nating kasama na umuwi nang maaga sapagka’t walang pasok! Klap, klap, klap!
Kahapon, marami na ang nagkumpirma sa atin na sasama sa outing ng PHLRC. Yes!
At ang mas maganda pa, kasa-kasama ng ilan nating kasama sa samahan ang kanilang mga mahal sa buhay sa okasyon
nating ito. Thank you, Madam President!
Mahalagang paalala sa mga kasama nating riders lalo na ‘yung bago pa lang sumama sa ating mga biyahe.
Ngayon pa lang, i-tsek n’yo na ang makina ng motor ninyo kasama na ang brake, signal lights, magdala
ng fuse, spark plug, extra tire interior, lalong-lalo na ang inyong driver’s license at rehisto ng inyong motorcycle.
Sa Sabado ng gabi, matulog ng maaga para ‘di mapuyat at ‘wag uminom ng alak.
Kapag nasa biyahe na, bawal po ang umovertake, ‘wag mag-brake agad kapag mabilis na ang takbo, mamalagi
kung saan nakasunod o kung sino ang sinusundang rider, i-maintain ang takbo sa 60-70 kph, sundin kung ano ang hudyat ng marshall.
Ang outing ng PHLRC ay sa Linggo na sa Calatagan, Batangas.
Alas-3:00 ng madaling araw ang alis natin. Ang meeting place ay sa Baywalk (sa dulo ng Pedro Gil) sa Maynila.
Alas-2:00 pa lang ng madaling araw kailangang makaalis na kayo sa inyong bahay. Magkakaroon ng kaunting briefing bago bumiyahe.
‘Wag kalimutang magdala ng baon (kahit ano) na puwedeng ibahagi sa mga kasama nating riders pagdating
sa Calatagan.
Maari ring magdala na pupuwedeng paglibangan sa outing gaya ng gitara, chess, baraha at kung ano-ano pa.
‘Wag magdala ng kalabaw baka ‘yan ang dahilan ng abala sa ating biyahe! Baka isang linggo bago tayo makarating
sa Calatagan! Ha ha ha ha!
God bless our trip!
Bago ko makakalimutan, maraming-maraming salamat pala sa dalang spaghetti nina Ka. Ruben Cabrillas nitong
Linggo kasabay ng ating meeting sa Quezon City Memorial Circle.
May natanggap tayong email na nagbigay komento sa Pinoy Big Brother nguni’t kapos na tayo sa espasyo.
Bukas na lang ulit, mga pare ko!
Adios amigos!