Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Good day, Philippines!
Mabuhay
ang mga motorcycle riders sa bansa!
Ika-2 ng Hulyo ngayon, taon 2010.
Unang-una, nais kong pasasalamatan
ang masipag at mabait na Sgt. at Arms ng PHLRC na si Ka. Alejandro “Jojo” Parilla dahil sa mabilis niyang pagresponde
nang tumirik ang ating motorsiklo nang dumating ang inyong lingkod sa tanggapan ng TORO kahapon. Klap, klap, klap! Naubusan
kasi ako ng gasolina! Ha ha ha !
Samantala, naging masaya ang selebrasyon ng kaarawan ni Ka. Karen Rocero
kamakalawa ng gabi sa Kundiman St., Paltok, Quezon City katuwang ang kanyang mga magulang na sina Ka. Rico Rocero, Ka.
Monica Rocero at ang kanyang future someone na si Ka. Ronnie Terrado.
Hindi ko na matatandaan kong anong oras
na ako nakauwi ng bahay! Ha ha ha ha!
Nagtungo rin sa bahay nina Ka. Rico ang bagong member ng PHLRC na si
Ka. Michael Escol at mga opisyales din ng Pinoy Hot Line Civic Organization at Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC).
Sa
naturang okasyon, napag-usapan din ng grupo ang paghahanda kaugnay ng nalalapit na proyekto ng PHLRC sa Linggo sa Brgy. Samson,
Quezon City na may temang Oplan Linis Laban sa Dengue.
Maliban sa naturang proyekto, isa-isa na ring tinalakay
ng samahan ang mga plano nito sa mga susunod pang araw.
Nagbigay pala ng suhestiyon si Ka. Rico Rocero para
lalong gumanda ang samahan ng PHLRC officers.
Aniya, maaaring maglunsad ng paluwagan ang mga opisyales PHLCO/RC
kada Linggo.
Isa rin ito sa mga susi para tumatag ang samahan at makapag-ipon din ang mga officers.
Maaaring
sumali ang miyembro ng PHLRC/CO kung gustuhin nito.
Ang galing! Nice idea! Sasali ako diyan! He he he he!
Isa
pa sa mga plano ng PHLRC ang pakikipag-communication sa mga riders club sa buong Pilipinas.
Layon nito ay
upang magkaroon ng magandang samahan ang bawat riders club na mula pa sa iba’t ibang lugar. Galing!
Mayroon
pang isang plano ang ating grupo.
At dahil lahat ng kasapi sa PHLRC ay may trabaho, para gumanda ang kalusugan ng
bawat isa, maglunsad ng jogging ang grupo tuwing Linggo sa Quezon City Circle.
Paplantasahin pa natin iyan
sa mga susunod nating meeting.
Kuwentuhan ulit tayo bukas.
Have a nice day, Ka-Riders!