Ang tamang pagbigkas
ng PHLRC ay PIL-RC.
***
BUENAS
dias, amigos!
Ika-29 ng Hunyo ngayon, taon 2010.
Naging matagumpay at punung-puno ng kasiyahan ang panunumpa o oath taking ng mga bagong opisyales
ng Pinoy Hot Line Riders Club, Inc. kamakalawa ng hapon dakong alas 5:00 sa tanggapan ni Brgy. Chairwoman Elenita De Jesus
sa A. Samson, Quezon City.
Maraming-maraming salamat po sa mabait, mapagbiro,
at masipag na kapitana sa panahong inukol niya sa PHLRC para makapanumpa kami.
At sa lahat ng mga opisyales ng PHLRC, isa na tayong lehitimo at legal ng officers ng ating samahan!
Ang mga larawang kuha ni Ka. Trixie Bellen kaugnay ng nasabing panunumpa ay nai-upload na natin
sa Facebook. Matapos ang panunumpa, personal na nagpakilala at nagbigay ng kanilang mensahe ang officers sa ating mga kasamahan
sa PHLRC maging sa Pinoy Hot Line Civic Organization.
Personal din na
ipinaliwanag ng inyong lingkod ang mga rules and regulation ng PHLRC at mga benipesyo na makukuha ng ating mga kasama.
Samantala, inaasahang mas lalo pang maging masigla ang PHLCO sa bagong talagang
presidente nito na si Ka. Josie Malupa katuwang ang kanyang Bise-Presidente na si Ka. Monica Rocero at mga bagong opisyales
ng nasabing organisasyon. Ipa-publish natin bukas ang mga bagong officers ng PHLCO.
Bukas na ang attendance sapagka’t gahol na tayo sa ating espasyo ngayon.
Sa ibang dako, sa darating na Linggo (Hulyo 4) ay magkakaroon ng proyekto ang pinagsanib na samahang PHLCO/RC sa Brgy.
A. Samson ng nasabing lungsod kung saan maglilinis ang pinagsanib na mga samahan para iwas-dengue sa naturang lugar.
Ang grupo ay magkikita mula alas 5:00 ng madaling araw hanggang 7:00 ng umaga kung
saan magsisimula ang naturang proyekto. Galing!
Nakatanggap ng report
ang Pinoy Hot Line na inilipat na ng puwesto ang bastos, mayabang, at tarantadong sekyu na si Jiff Hermogenes ng Green Leaf
Security Agency na dating nakatalaga sa Cebuana Lhuillier Pawnshop-Marilao Branch matapos ang banat natin sa kanya kahapon
dahil sa panunutok niya ng baril sa reporter ng pahayagang ito na si Ka. Rey Guinto, board of trustee rin sa PHLCO.
Lintek na ‘yan! Bakit pa pinagdyu-duty ng nasabing security agency ang
sekyu na ito, na mukhang wala ‘atang training!
Kung sino
man ang may-ari ng agency na iyan, baka tuluyang magsira ang agency n’yo dahil sa igno n’yong tauhan!
Adios amigos!