Ang
tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
LIGTAS na nakarating kamakalawa ang Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC)
sa Real, Quezon hanggang sa makabalik kami sa aming mga tahanan kahapon.
Bagama’t sinabayan ng masungit na panahon ang aming pag-uwi habang binabagtas namin ang kahabaan ng national
hi-way mula Real hanggang Metro Manila, kitang-kita naman sa ngiti ng ating mga kapatid sa PHLRC ang pagiging masayahin
dahil sa kakaibang adventure na aming naranasan kahapon. First time kasi naming bumiyahe na basang-basa sa ulan! Ha ha ha!
At siyempre pa, masayang-masaya kaming lahat sa 6th Outing/Monthly General
Meeting ng PHLRC dahil muli na namang nagkasama ang bawat kasapi ng samahan na nagkikita-kita lamang sa ganitong pagkakataon.
Samantala, para sa lahat ng kasapi sa Pinoy
Hot Line Civic Organization/Riders Club (PHLCO/RC) muli na pong binago ang araw ng ating General Monthly Meeting.
Samakatuwid, hindi na po every last Sunday of the month ang ating Gen.
Monthly Meeting, sa halip, ito ay idadaos tuwing 3rd Sunday.
Napagpasyahan na po ito ng lahat ng opisyales ng PHLRC kahapon.
Ang every 4th Sunday of the month ay ang official trip na ng PHLRC.
Yes, kada buwan na ay may biyahe ang ating samahan.
Sa Gen. Monthly Meeting, paplantsahin na rito ang lakad natin sa 4th Sunday of the Month o kina-Lingguhan.
Ang 1st and 2nd Sunday naman ay ang aktibidad natin na “Takbo PHLRC.”
Kasabay ng aktibidad na ito ay pag-entertain sa mga kababayan natin na gustong sumali sa ating masayang samahan.
Sa darating na Linggo, mayroon po tayong jogging sa Quezon City Memorial
Circle.
Kuwentuhan uli tayo bukas.