WHAT: Final briefing for Nueva
Ecija outing
WHO: Members/Officers of PHLRC
WHERE: Quezon City
Memorial Circle (in Bicycle Station)
WHEN: June 6, 2010 at 3:00pm
***
BUENAS dias, amigos!
Ika-2 ng Hunyo ngayon, taon 2010. 11 days before 3rd outing
ng PHLCO/RC!
Inaasahang mas magiging masaya ang ika-3 outing ng PHLCO/RC sa darating na ika-12
ng Hunyo ng taong kasalukuyan.
Sa ngayon, marami na sa ating mga kasama ang nagkumpirmang sasama
sa outing nating ito.
At dahil sa sandamakmak ang sasama, magkakaroon ng final briefing ang lahat
ng kasapi sa PHLCO/RC sa Linggo sa Quezon City Circle sa oras na alas 3:00 ng hapon.
Napakahalaga
sa atin ang araw na ito sapagka’t pag-uusapan natin ang mga safety measures, atbp. habang bumibiyahe patungong Nueva
Ecija mula Maynila.
Sa Linggo, ang hindi makaka-attend sa final briefing na ito, hindi maaaring
sumama sa outing.
Marami pa tayong tatalakayin sa Linggo, kaya’t sa mga readers ng TORO na gustong
sumali sa PHLRC at sumama sa outing sa Nueva Ecija, ‘wag na kayong magpaligoy-ligoy pa, punta na kayo sa Pit Shop.
Diyan naman sa Laguna, puntahan n’yo lang si Ka. Glenn Villanueva.
Samantala,
lahat ng nagpagawa ng uniporme ng PHLRC ay sa Linggo n’yo na rin makukuha.
Tinatawagan din
natin ng pansin si Ka. Dioscoro Policarpio na makipag-ugnayan kay Ka. Nancy Malindog ngayon dahil may pipirmahan po kayong
SEC registration forms.
Sa ibang dako, magkakaroon naman ng emergency meeting ang lahat ng opisyales
ng PHLRC sa Biyernes ng gabi.
Malalaman n’yo bukas ang eksaktong oras at lugar, mga Ka-Riders.
Pero sa totoo lang, wala pa akong tulog kaya tinatamad akong magsulat! Ha ha ha!
Bukas,
ulit.
Adios, amigos!