Ang
tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Good day, Philippines!
Mabuhay ang mga motorcycle riders sa bansa!
Ika-8 ng Hulyo ngayon, taon 2010.
Plantsado na ang ika-4 na outing ng pinagsanib na mga samahang
Pinoy Hot Line Civic Organization (PHLCO) at Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) na gaganapin sa Sta. Maria, Bulacan sa darating
na Linggo.
Batay
sa napagkasunduan ng mga opisyales ng PHLRC nitong nakalipas na gabi kasabay ng emergency meeting na ginanap sa Pit Shop sa
Araneta Avenue, Quezon City, ang grupo ang magkikita-kita sa Quezon City Memorial Circle (sa may Bicycle Station o sa rentahan
ng mga bike) sa oras na alas 4:30 ng madaling araw.
Ang samahan ay bibiyahe sa oras na alas 5:00 ng madaling araw.
Tinatayang aabot lamang sa isa hanggang
sa isa’t kalahating oras ang biyahe ng PHLRC riders patungong Sta. Maria. Napakalapit lang po kasi ng lugar na ito.
Napagkasunduan na mag-ambag-ambag
ng P300 ang bawat miyembro na sasama sa okasyong ito.
Ang P200 ay bayad para sa buong araw hanggang sa magdamag na pamamalagi sa swimming pool.
Libre na ang cottage, mga
gamit pang luto atbp, at up to sawa na kantahan sa videoke. Wala na ‘yung maghuhulog ka ng P5 kada kanta.
Ayon sa staff ni Hon. Elenita
De Jesus, Chairwoman ng Brgy. Apolonio Samson, Quezon, may discount pa P200. Ibig sabihin, makakamura pa tayo.
Ang P100 naman ay ambag
para sa almusal, tanghalian at hapunan.
Kung may dagdag man, napakonti na lang.
Sa mga gustong sumama, puwede n’yo nang ibigay kay Ka. Ernie Padigdig
ang P300 simula ngayong araw hanggang bukas ng gabi.
Sa madaling sabi, pang-gasolina na lang ang iintindihin n’yo.
Lilinawin lang namin. Kung may angkas po
kayo, siyempre, P600 ang iaambag n’yo ha. Got it?
Bago bibiyahe ang grupo, magkakaroon muna tayo ng briefing para sa ligtas
na biyahe katuwang ang mga marshalls at ride sweepers ng PHLRC.
Para sa karagdagang katanungan, mag-text kay ka. Nancy Malindog, internal
secretary ng PHLRC.
Alam n’yo bang napakahalaga ng biyahe nating ito, sapagka’t ito na ang pinakamasayang outing ng ating
samahan dahil kukuha tayo ng magagandang tanawin, magagandang tagpo sa kalsada habang bumibiyahe ang ating grupo sa pamamagitan
ng video na idodokumento nina Ka. Karen Rocero at Ka. Ronnie Terrado. Ibig sabihin, para tayong nagsyu-shooting sa biyahe
nating ito.
Dahil
sa patuloy na krisis na dinaranas natin araw-araw, baka ito muna ang huling outing natin. Baka sa Oktubre o Nobyembre na naman
ulit tayo magkakaroon ng outing. Depende po kung ano ang mapag-usapan ng ating mga opisyales ng ating samahan. Abangan ang
iba pang updates.
Habang wala tayong outing, tututok muna ang ating grupo sa ilulunsad na mga proyekto. Abangan!
Samantala, nakikiramay
po ang buong puwersa ng PHLCO/RC sa pagpanaw ng panganay na kapatid nila Ka. Ruben Cabrillas na si Renato Cabrillas nitong
Hulyo 5, 2010.
Si Renato Cabrillas po ay pinanganak noong Enero 29, 1969.
Ang kanyang mga labi ay nakalagak sa tahanan ng Pamilya Cabrillas sa Cabasan,
Bacacay, Albay.
Siya ay ihahatid sa huling hantungan sa darating na Sabado.
Condolence po, Ka. Ruben!