Buenas
dias amigos!
Ika-5 ng Mayo ngayon, araw na Miyerkules taong 2010.
Siguro,
‘di na kayo magtataka kung bakit maiksi lang ang space ng kolum natin ngayon! Ha ha ha!
Pinapakita
lang po namin sa inyo kung gaano kasaya sa loob ng tahanan ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC).
Gaya
ng nabanggit ko sa inyo kahapon, halos ‘di matatawaran ang kasiyahang nadarama ng bawat isang kasapi ng PHLRC sa ginanap
na monthly outing ng samahan nitong Mayo 2, 2010 sa Sea Breeze Beach Resort sa Matabungkay, Lian, Batangas.
Noong
unang outing, sina Ka. Marlou Dahunog at Ka. Dioscoro Policarpio ang humataw ng kuwentong katatawanan nang mag-umpukan ang
grupo sa isang beach resort sa Nasugbu, Batangas kung saan ginanap ang outing.
Nguni’t sa
2nd outing ng samahan, lahat humataw. Nawala na ‘yung nagkakahiyaan ‘di tulad ng unang outing.... kasi nga bago
pa lang nagkakakilala.
Sumakit ang tiyan ko sa katatawa sa mga kuwento ni Ka. Rico Rocero nang
araw na iyon. He he he...
Sa madaling sabi, nag-iwan ng isang napakasaya at napakagandang alaalala
sa bawat kasapi ng PHRC ang outing na iyon bago kami naghiwa-hiwalay nang mag-uwian na sa Tambo, Parañaque City.
Dahil dito, gumawa ang inyong lingkod ng isang tribute video para sa lahat ng kasapi ng PHLRC na may pamagat
na “SALAMAT - THE DAWN (featuring PHLRC Matabungkay Outing). Mapapanood ito sa Youtube gayundin sa website ng PHLRC.
Samantala, may bago tayong miyembro, ito ay si Ka. Alejandro “Jojo” Parilla, Jr. ng Nepomuceno
St., Quiapo, Manila.
Personal po siyang nagtungo sa aming tanggapan kahapon sa Sta. Cruz, Manila.
Ka. Jojo, welcome sa aming masayang samahan!
Adios amigos!