PANAWAGAN
Sa lahat ng opisyales at miyembro ng Pinoy Hot Line Civic Organization at Pinoy Hot Line Riders
Club, tayo ay magkakaroon ng buwanang pagpupulong sa Marso 28 (Linggo), 2010 sa oras na alas-3:00 ng hapon. Pinal na tatalakayin
ang ating outing sa Nasugbu, Batangas sa darating na Abril 1, 2010. Marami pang mahahalagang paksa ang tatalakayin. Attendance
is a must!
***
Buenas dias amigos!
Marso 26, 2010 ngayon at ilang araw na lang ay outing na ng buong pamilya ng Pinoy Hot Line sa Nasugbu, Batangas!
Klap, klap, klap!
Nakahanda na ba ang ating kaldero mga kasama? Ha ha ha!
Speaking of outing, kailangang kondisyon na rin ang mga motorsiklo ng ating mga ka-riders para maiwasan ang
aberya sa daan.
Hangga’t kung maaari, magdala ng reserba ng interior ng gulong, mga tools, fuse, spark plug, at higit
sa lahat, ang mga papeles ng ating mga motorsiklo kasama na ang driver’s license.
Sa meeting ng PHLCO at PHLRC sa Linggo, tatalakayin natin ang iba pang kailangan sa biyahe papuntang Nasugbu
kabilang na ang video camera.
Kahapon, naka-text natin si Ka. Miguel Dulay kung saan siya ang naatasan natin na humawak ng video camera
sapagka’t ido-dokumento natin ang unang biyahe ng PHLRC at PHLCO.
Tanong ni Ka. Migs, "Kanino ako aangkas, Ka. Even?"
Ang sagot natin sa kanya, sa marshall siya sasakay para makunan niya nang buo ang mga ka-riders natin na
nakabuntot sa kanila.
Bukod sa marshall, imumungkahi rin natin sa ating mga kasama sa PHLCO na magkaroon ng medics para sila ang
mag-aasikaso sa oras na magkaroon man ng problema sa biyahe. Okey ba, President Jhun Benitez?
Kailangan din na laging nakatutok ang ride sweepers ng PHLRC para mabantayan ang ating mga ka-riders na gigil
na gigil sa manibela ng kanilang motorsiklo upang maiwasan ang aksidente!
Samantala, sa mga readers ng TORO na gustong sumali sa PHLRC at PHLCO, punta na agad kayo sa Quezon
City Circle sa Linggo, alas-3:00 ng hapon.
Sa mga sasali sa PHLRC, ‘wag kalimutang dalhin ang xerox copy ng inyong driver’s license at rehistro
ng inyong motorsiklo dahil iyan po ang pangunahing requirements sa aming mga applicants.
Sa mga sasali naman sa PHLCO, valid ID lang ang kailangan namin sa inyo.
Kita-kits!
Sa ibang dako, patuloy nating dini-develop ang website ng Pinoy Hot Line na may url na www.even.tripod.com.
Sinisikap natin na lalo pang mapaganda ang naturang website para lalong pumogi ang ating mga ka-riders at
mga kasama sa PHLCO. Yeheeeeey!
May nag-text!
"Kamakailan, Marso 23, galing ako sa Quiapo Church. Naka-display sa loob ng simbahan ang mga litrato ng life
cycle ng tao mula sperm hanggang sa pagluwal ng sanggol mula sa sinapupunan ng isang ina. "BUHAY AY MAHALAGA, IWASAN ANG ABORTION!"
Tama! True! Right! Correct! Paunawa, paalala at patama. Paki-display na rin ang litrato ng mga sakit na makukuha sa pakikipagtalik
at irekomenda ang kainaman ng paggamit ng condom at family planning!"
–09308106424
"Palakpakan ang CBCP for the time being na nakialam sila ng may katuturan na manawagan kay PNP Chief Jess
Versoza para sa darating na eleksyon. Yeheeey! Kahit paano naisip nila iyan. Tama! Magaling! At least, iyan.. hindi na kailangan
ang COMDOM."
–09308106424
Ang Pinoy Hot Line column ay mababasa na araw-araw sa www.even.tripod.com