Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
WHAT:
Final briefing for Nueva Ecija outing
WHO: Members/Officers of PHLRC
WHERE: Quezon City Memorial Circle (in Bicycle Station)
WHEN: June 6, 2010 at 3:00pm
***
BUENAS dias, amigos!
Ika-5 ng Hunyo ngayon, taon 2010. 8 days before 3rd
outing ng PHLCO/RC!
May nag-text
sa atin kahapon na may cellphone number 09233210796, nagpakilala siyang 2nd Lt. sa Philippine Marines.
Tinatanong niya sa atin kung bakit daw KA ang tawagin
ng bawat kasapi ng Pinoy Hot Line Civic Organization & Riders Club?
Maraming beses na natin itong natatalakay sa kolum na ito, marahil, bagong reader lang ng TORO itong
si 2nd Lt.
Ayon pa sa kanyang
text, marami raw siyang natutunan sa kolum na ito, pero nagtataka raw siya kung bakit KA ang tawagan natin dito sa ating samahan,
e, tawagan daw po iyan ng mga NPA. Toink!
Direkta na nating sasagutin si 2nd Lt.
Kaming mga kasapi rito sa PHLCO/RC, ang ibig sabihin po ng KA ay Kasama o Kapatid.
Itinuturing ng bawat kasapi ng aming samahan ang PHLCO/RC bilang tahanan.
Para kaming iisang pamilya lang, sapagka’t magkakapareho ang aming mga pananaw sa aming grupo maging sa mga layunin
nito.
Samakatuwid, hindi po kami
mga rebeldeng NPA, at hindi rin lahat ng mga kasapi sa aming grupo ay mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo.
Ka means Kapatid o Kasama.
Wala kaming armas o baril dito. Tanging ngiti, kabaitan, pagkakaisa, tulong-tulong
lang ang aming sandata para sa ikakaunlad ng aming samahan.
Sa tingin ko lang, itong 2nd Lt. ay kahapon lang pinanganak.
Samantala, meeting ng PHLC sa Linggo. Kita-kits, mga Kapuso at mga Kapamilya!
Ngeek!
‘Yung mga sasama sa outing
kailangan ding umattend sa meeting.
I
love you, PHLRC!